41

Re: Duck Raising

can you have e-mail address to PARRFI Office...


frb commercial

42

Re: Duck Raising

Hi Mr91 (moderator),

could i know your e-mail address, i need a copy of those publication regarding duck egg production.  your promt response is very much appriciated...

thank you,
frb commercial

43

Re: Duck Raising

Jessie and frbcommercial_01,

If you are interested of a copy of the Philippines Recommends for Duck Egg Production you may contact PARRFI thru tel nos. (049)5360014 to 20 local 216 during office hours and inquire from them on how to place an order of said publication thru mail.

Thank you for using this message board as one of your sources of information.

Sa angkop na technolohiya- MAY TAMA KA!!!

44

Re: Duck Raising

Synan,

Thanks a lot.

45

Re: Duck Raising

panu ko po ba malalaman kung ang itik ay first time pa lang mangingitlog at itik na maraming beses ng nangitlog?

anung pagkakaiba at itsurang ng dumalagang itik sa matanda ng itik?

salamat po
babes_lover

“pwede nating pag-usapan ang tungkol sa baboy pero wala sanang baboyan”

46

Re: Duck Raising

Hello po...
active pa rin po ba itong forum tungkol sa duck?? mejo tahimik na sya e.
Tanong ko lng po kng me magandang market yng itlog ng itik (duck raising  sa may masantol pampanga (malapit din po sya sa bulacan thru dike). Any contacts po for duck (dumalaga) supplier around the area?? tsaka kung saan pedeng imarket yng itlog (like balutan) na malapit sa area ng masantol pampanga (or bulacan since ayon sa forum halos asa pampanga at bulacan ang mga nag-iitikan).

Tanong ko lng din po kng meron nakapagpatuloy sa plano nyo tungkol sa duck raising. Any feedbacks po kng ano nangyari sa duck raising nyo?

I'm planning to venture into this business but probably after the rainy season. I'm still gathering some info regarding this. I am in the midst of doing the feasebility study.

Hi The Fly,
   tuloy pa rin po ba yng pagsusupply nyo ng ready to lay duck?? ano na po news sa mga available nyong duck ngayon june/july?

thanks,
ghiby

47

Re: Duck Raising

Hi Ghiby,

yes, tuloy na tuloy po kami!!  I'll be blasting it's availability anytime soon. Malalaki na rin po sila and almost good to go. Dami rin nag iinquire. I'll get in touch with each and everyone. Thank you sa interest. :-)

As for your question, kung wala ka po makita na market, then create your own market. Basically, hanap lng kayo ng tindahan na pwede nyo pag suplayan and kayo na mismo mag prepare ng balut and itlog na pula. There a number of ways to learn these process. Suggestion lng naman po ito. Not to sound bias, madali kasi i market ang itlog ng itik. Madami sya pede pagagamitan. They also make a good leche plan kasi nga mas buo ang firm ung pula nila. Kung talagang walang ma supplayan, it's good to think of other alternatives to renovate this product hehe

48

Re: Duck Raising

Hi Fly,

Thanks sa info. I'll wait for ur updates regarding ur new ducks. By end of this year or early next year siguro makakapagmagmaterialize yung plano kong pag-iitikan. Mga 1000 or 2000 heads siguro ang gagawin ko kaya naghahanap din ako ng fix market ng itlog like yng mga balutan na pagdadalhan ng itlog.. plan ko rin na gumawa nga ng balot using incubators. Regarding sa pag-iitikan me background na rin ako dahil noong elementary at highschool ako e maraming itik na inaalagaan ang tatay ko at katu-katulong nya ako pero that time is more on pinapastulan yung mga itik dahil lahat pa ng bukid sa amin noon is palayan pa unlike now is puro fish pond na kaya magiging full confinement ang mangyayari... maglalagay lang ako ng net sa sapa at dun sa isang parte ng fish pond para me languyan sila.
Additional query ko is about feeding. Bale plano kong ipakain is combination of suso and commercial feeds. Maganda po kayang combination yung suso at feeds, mas mababa kase yung price ng suso compare sa commercial feeds kaya bale magiging supplementary ko lang yung commercial feeds. Yung suso is meron namang stable na nagdedeliver sa lugar namin dahil yun din ang pagkain ng mga sugpo. Hindi lang ako sure sa ratio ng commercial feeds at suso (back then is palay at suso lang ang pinapakain namin di pa uso yng feeds non tsaka more on pastulan). Tsaka ano pong brand ang magandang feeds.
Magkano po pala yung price ng mga dumalagang itik? yung mga lalaki (barakong itik) is free po ba yon? tanda ko po kase dati na mga barako ang mga pinamimigay namin sa mga tambay na humihinging pampulutan especially pag dumadayo kame sa mga ibang lugar para sa pastulan (for sake of pakikisama ika nga).

salamat po,
Ghiby

49

Re: Duck Raising

hello to all.

i'm very interested to start a duck-raising project pero medyo nagwo-worry ako about the threat of bird flu which, according to the DA, could strike the Philippines anytime if we do not stay vigilant and apply measures that would control the spread of the virus. Ang tanong ko lang po ay ano ba ang scenario pag sakaling (sakali lang) na mapasukan ng bird flu ang nga duck farms sa Pilipinas? Hindi po ba napaka-risky if at this time ay magsimula ng duck raising project then suddenly ay may threat ng bird flu sa bansa and the government decides to do massive slaughter of fowls to eradicate the virus, just like what the other infected countries did?

Mejo napaparanoid lang po.....

50

Re: Duck Raising

lahat naman ata ng nasa poultry ang negosyo ganyan ang iniisip. dito samin sa BAliuag, Bulacan madami parin pumapasok sa itik buss. wala pa naman prob! malaman lamang naman na hindi na aabot dito yun, kung posibleng mabuhay dito ang virus nayun eh matagal na nakarating dito yun, just maybe just maybe sa tingin ko its our climate, baka hindi makasurvive dito ang birds flu virus. kung tutuusin with the rampant smugling and the migratory bird parang imposible na hindi makarating ang virus dito diba? nakarating na siguro di lang kaya mag spread and survive..
opinion ko lang naman iyon,, hope and prayers na wag nga sana makarating dito
tj

51

Re: Duck Raising

Hi Ghiby,

Mukhang you know this business quite well. Ok pong combination ang suso at feeds. Kung tipong pang karne sila, meaning palalakihin then bebenta sa mga gumagawa ng fried itik, ok na ung suso. Kung papaitlugin naman for poulrty, mas maganda po kung ung commercial feeds ang main food at pang supplement ung suso. Reason being is may mga nutrition na binibigay ang feeds na di makukuha sa suso. As for the ratio, kami pp kasi is 2 to 2 1/2 sack of feeds for 1000 heads. Bale nilalagay lng namin un sa kulungan nila, bahala na sila kumain. As for the brand, kung ano lng po ung available na brand sa market. Halos pare pareho lng naman kasi sila. Ang dumalaga would cost around 130 to 140 pesos po. Ready to lay eggs na po un. Libre na po ung barako. As a rule of thumb, 10% po ng kinuha nyo. So if you buy 1000 heads, you get 100 barakos for free :-)

I admire your plan of confining them. Very creative. Pag almost ready na kami. I'd like to invite you para makita mo rin ung mga itik namin. I'll also invite those who sent e-mail or call me para makita din nila. I always believe in the rule of transparency pagdating sa business. Honesty will always be the best policy.

saygatel,

i understand your concern pero like tomjim has said, bird flu can strike anytime kaya let's hope na this won't happen to our country. Pero un ang risk  na we have to take. Wala naman cguradong business, otherwise andun na tayong lahat heheeh.

If you're really interested, I suggest na pag aralan mo ng husto if this will fit you. read books and join forums like this. Talk to people na pwede mag mentor syo. Magtanong nga magtanong hehe. Di baleng makulit basta may alam.


To all, HAPPY DUCK RAISING QUACK QUACK!!!

52

Re: Duck Raising

Hi Fly,
  Thanks sa info. So dapat pala talaga is commercial feeds ang main food nila dahil paitlugan ang plano ko. Regarding this biz venture me idea at experience na rin ako about duck raising (but what was long time ago, I think around 80's pa) however about how to market  the egg product e bale dito ako bagito dahil noong me itik pa kame e yung ahente ng itlog ang nagpupunta sa amin para bilhin yung mga itlog. Pero ngayon wala ng nag-aalagang itik sa lugar namin so malamang wala na rin yung mga biyahero ng itlog pero willing naman akong gumawa ng market like nga yung paggawa ng balot at itlog na pula.
Thanks din sa pag-imbita sa farm nyo, yaan mo pag ready na yung senyo at nagkataon na nasa pinas ako e siguradong papasyal ako dahil ito talga ang unang priority ko dun sa farm namin (OFW po ako at 10+ yrs na rin nasa abroad, gusto ko na sanang magretire sa pag-aabroad kaya gusto kong iimprove yung fish pond namin at iintegrate yung mga ibang foultry/animals like itik, goat at free range chicken pero priority ko itong pag-iitikan dahil me background at experience na kame jan). In case na ready na rin yung itik niyo at wala ako sa pinas e pede rin naman yung brother ko ang papuntahin ko senyo. Sa July 13 asa pinas ako.. uuwi ako over the weekend lang me konting aasikasuhin so kung me time ako try kong pumasyal jan sa inyo, pero malamang sa next batch nyo na ng ako makakapagsimula ng pag-iitikan.

thanks

53

Re: Duck Raising

Hello Everyone!

I would just like to inform you that we're almost ready to sell our Ducks. Mag fa five months na po sila sa June 23 :-). Feel free to contact this number for more information or for a scheduled visit, 0919-883-8435. Look for Rely or Lea. 

Happy Duck Raising!!! :-)

P.S. Keep those inquiries coming.

54

Re: Duck Raising

Hi The Fly,

  Sayang di pa ready yung dapat na magiging kulungan ng mga itik, sa July na uwi ko don ko pa lng titingnan at ipapa-ayos yung magiging kulungan nila dapat. Kelan yung next batch niyo? Anyway magkano mga ducks nyo? Tingnan ko kung pede kahit 100 lang, pang trial lang. San ka sa nueva Ecija? Nakapunta na ako dati sa Nueva Ecija pero bandang Cabiao lang, malayo ba kayo don?

Salamat,
gb

55

Re: Duck Raising

Hi GB,

Ok lng po. Like I said, kng mabenta ung sa min, meron pa naman other batches na we can offer probably sa July. Well, since bata pa po ung sa min, asa 110 Php lng po. Malalaki na kasi sila at ready for egg production na.

Licab N.E po ung exact location namin. Around 1 hr from Cabanatuan proper, traffic included na po. Pero kaya sya ng 45 minutes.

Thanks din!!! Quack quack!

56

Re: Duck Raising

Hi, Can anyone help me on how to make a balut from duck eggs.

Many Thanks.

57

Re: Duck Raising

Hi Rafen,

  you can check below link
http://entrepinoys.blogspot.com/2006/03/balut-making.html

gb

58

Re: Duck Raising

Hello ghiby,

Thanks for the link you give to me. Now I have idea on how to make balut. You know i'm in cebu and balut making is not so familiar here.But Cebuano like to eat balut especially at night time. That's why i'm interested to know in balut making.
Rafen

59

Re: Duck Raising

Meron akong pig pen about 50sqm ang laki. I want to convert this to an itikan, possible kaya ito? Concrete ang floor nito and I'm thinking of patungan ng lupa and ipa.  Ayaw kong sirain ang floor kasi kung may pera na ako saka ko nalang gagawan ng tamang kulungan ang itikan ko sa ibang portion ng lupa ko.  And ang taas ng bubong from the ground ay more than 7ft. sa mga nakikita kong kulungan ng itikan ay medyo mababa.  Can anyone help me on this?

Thanks in advance.

60

Re: Duck Raising

Philip,

Sa nakita ko sa Pulilan, for as long as may lagoon sila at naka-enclose ng net ang range ay okay lang.  Doon na lang sila sisilong sa iyong kulungan kapag umuulan or para sa hapon.  Mahirap lang yan kung itlogan na kasi talagang magpupulot ka ng itlog at kailanga extra careful ka sa paglakad.

Bing

oinky doinky pinky piggy smile

61

Re: Duck Raising

Thanks sa reply mo ms. bing.

Plan ko talga is duck egg production kaya lang wala pang capital to start. Kaya if ever magkaroon na ng capital, utilize ko some vacant pig pens para less expenses sa construction ng building.

62

Re: Duck Raising

Buta_raiser, no problem po ung set up nyo. Feasible sya na kulungan ng duck. Tama na lagyan ng lupa at ipa para may itlogan sila if ever. Maglagay ka rin po ng batya na malaki para pede sila maglublubo. But do not confuse this to a pond. Mas mainam pa rin syempre kng may pond sila na liliguan. :-)

63

Re: Duck Raising

gud day po tanong ko lang puwede po ba yang mga itik sa running water (river), thanks for the info

64

Re: Duck Raising

Aziz,

As much as possible di advisable na ilagay ang mga itik sa running water to avoid polluting the river or natural water source.  This has been the problem with some raisers before and the local government is working hand in hand with DENR to discourage this practice.  If you could still remember few years ago, there was an outbreak of severe dermatitis in Bulacan.  The source was traced from itiks' wastes that ran in one of the rivers. 

The patients swore that nothing compares to the itch they experienced from that dermatitis.

Bing

oinky doinky pinky piggy smile

65

Re: Duck Raising

Hello,

Can anyone answer my question? I have around 70pcs. eggs sa loob ng incubator. During the 8 days biglang nag brownout. Kahit hindi ko binubuksan yung pinto ng incubator. Ang  temperatura nagbaba ng 30 degrees Celsius. Kasi matagal bumalik yung koryenti aabot hanggang 7hours. Then, four hours after nagbalik yung normal power. Bigla naman nasira yung temperature controller ko. Yung ilaw na nagbigay init ng incubator ay palaging naka "ON" hanggang nalaman ko na yung temperature ay aabot nang 44degrees Celsius.
My question:
1. Pwede pa ba yung mga itlog o paano ko ipag check kun buhay pa
    ba ang mga embryo?
2. Can I still continue the incubation of my duck eggs?
3. If buhay pa ang mga embryo, then I will continue the incubation of 
    these eggs and the ducklings that hatched are they healthy?

Kindly Advise.

Thanks & Regards to All sa Forum
Rafen1520

66

Re: Duck Raising

the first week is considered a critical period of incubation.  at this stage the developing embryo is very sensitive to variations in its environment (i.e. temperature, humidity, turning, etc.).  it is very likely that many of the embryos could have died when they were subjected to 44 degreess C tempearature.  But you can check if they are still alive thru candling. 

If there would be ducklings that will hatch from this batch of eggs it is very likely that they will be healthy the fact that they survive the stressors means that they are fit.

Hope you will find this information useful.


rafen1520 wrote:

Hello,

Can anyone answer my question? I have around 70pcs. eggs sa loob ng incubator. During the 8 days biglang nag brownout. Kahit hindi ko binubuksan yung pinto ng incubator. Ang  temperatura nagbaba ng 30 degrees Celsius. Kasi matagal bumalik yung koryenti aabot hanggang 7hours. Then, four hours after nagbalik yung normal power. Bigla naman nasira yung temperature controller ko. Yung ilaw na nagbigay init ng incubator ay palaging naka "ON" hanggang nalaman ko na yung temperature ay aabot nang 44degrees Celsius.
My question:
1. Pwede pa ba yung mga itlog o paano ko ipag check kun buhay pa
    ba ang mga embryo?
2. Can I still continue the incubation of my duck eggs?
3. If buhay pa ang mga embryo, then I will continue the incubation of 
    these eggs and the ducklings that hatched are they healthy?

Kindly Advise.

Thanks & Regards to All sa Forum
Rafen1520

Sa angkop na technolohiya- MAY TAMA KA!!!

67

Re: Duck Raising

Synan,

I have already candling the eggs and I found buhay pa yung ibang embryo.
Maraming salamat po sa information and this is a great help.

Regards sa Lahat
Rafen

68

Re: Duck Raising

ghiby wrote:

Hi Fly,

Thanks sa info. I'll wait for ur updates regarding ur new ducks. By end of this year or early next year siguro makakapagmagmaterialize yung plano kong pag-iitikan. Mga 1000 or 2000 heads siguro ang gagawin ko kaya naghahanap din ako ng fix market ng itlog like yng mga balutan na pagdadalhan ng itlog.. plan ko rin na gumawa nga ng balot using incubators. Regarding sa pag-iitikan me background na rin ako dahil noong elementary at highschool ako e maraming itik na inaalagaan ang tatay ko at katu-katulong nya ako pero that time is more on pinapastulan yung mga itik dahil lahat pa ng bukid sa amin noon is palayan pa unlike now is puro fish pond na kaya magiging full confinement ang mangyayari... maglalagay lang ako ng net sa sapa at dun sa isang parte ng fish pond para me languyan sila.
Additional query ko is about feeding. Bale plano kong ipakain is combination of suso and commercial feeds. Maganda po kayang combination yung suso at feeds, mas mababa kase yung price ng suso compare sa commercial feeds kaya bale magiging supplementary ko lang yung commercial feeds. Yung suso is meron namang stable na nagdedeliver sa lugar namin dahil yun din ang pagkain ng mga sugpo. Hindi lang ako sure sa ratio ng commercial feeds at suso (back then is palay at suso lang ang pinapakain namin di pa uso yng feeds non tsaka more on pastulan). Tsaka ano pong brand ang magandang feeds.
Magkano po pala yung price ng mga dumalagang itik? yung mga lalaki (barakong itik) is free po ba yon? tanda ko po kase dati na mga barako ang mga pinamimigay namin sa mga tambay na humihinging pampulutan especially pag dumadayo kame sa mga ibang lugar para sa pastulan (for sake of pakikisama ika nga).

salamat po,
Ghiby

Hi Ghibby,
Pwede kang maging regular supplier sa amin. Sa Sta. Ana, Pampanga ang production nang balut namin. And, kahit sino welcome na mag-supply.


salamat ng marami,
~~Manny

Manijer's Balut
Wholesaler & Retailer:
BALUT * PENOY * SALTED EGG * QUAIL EGG * CHICKEN FRESH EGG
Contact #: 0917 880 66 38

69

Re: Duck Raising

Manny,

Puede mas maganda yan at me ready market na kame pag nagstart na yung itikan. Wala pa kameng itik sa ngayon. Pag-uwi ko ng July don ko pa lang ipapatayo yung kulungan then pag oks na yung kulungan is doon ako mag-aacquire ng mga itik. San ka Sta. Ana? parang nakadan na ko jan dati pag napupunta kame ng Cabiao.
Pag fully operational na kame kokontakin kita. Sa ngayon magkano nga pala kuha nyo sa good na itlog?

gb

70

Re: Duck Raising

sir bingbong thanks sa advise mo...so hindi ko na itutuloy ang magalaga ng itik sa tabi ng river namin, akala ko pa naman nakakatulong iyong mga itik para malinis at lumalim ang ilog. thanks again

71

Re: Duck Raising

hi gb,

Sa san nicolas ang location namin. Sa ngaun, mataas ang bilihan nang sariwang itlog (good) 5pesos hanggang 5.20. Actually, meron na din kaming poultry around 12k na itik pero hindi pa din sapat, kailangan kc namin nang 40k-50k na eggs everyday at may plan pa kami na mag-expand nang distribution sa iba pang place nang metro manila at cavite.
Cge, kontakin mo lang ako kapag ready ka nang mag-supply.

God bless!!!

~~manny

ghiby wrote:

Manny,

Puede mas maganda yan at me ready market na kame pag nagstart na yung itikan. Wala pa kameng itik sa ngayon. Pag-uwi ko ng July don ko pa lang ipapatayo yung kulungan then pag oks na yung kulungan is doon ako mag-aacquire ng mga itik. San ka Sta. Ana? parang nakadan na ko jan dati pag napupunta kame ng Cabiao.
Pag fully operational na kame kokontakin kita. Sa ngayon magkano nga pala kuha nyo sa good na itlog?

gb

Manijer's Balut
Wholesaler & Retailer:
BALUT * PENOY * SALTED EGG * QUAIL EGG * CHICKEN FRESH EGG
Contact #: 0917 880 66 38

72

Re: Duck Raising

MANIJER,

paano naman namin ka mako contact ni email wala kang ibinibigay at cellphone number mo di mo iniiwan.  please i paskil mo naman dito at anytime tawagan ka or email ka namin at yong buong pangalan mo naman please.

73

Re: Duck Raising

hello! im new into this board and i find this very helpful... inquire ko lang if may space requirement ang itik gaya ng baboy lets say how many itik per sq meter

Meron akong pig pen about 50sqm ang laki. I want to convert this to an itikan, possible kaya ito? Concrete ang floor nito and I'm thinking of patungan ng lupa and ipa....

74

Re: Duck Raising

Hi Val,

Sa kin, for the purpose of an idea lng naman, tipong as long as di sila

siksikan and may room space naman if ever lalakad sila, ok na po un.

ganyan lng po kasi practice namin. Pero kng meron dyan na makakapag suggest ng accurate na sukat, mas mainam un :-)


Pero

75

Re: Duck Raising

Hi Val,
tama si the fly expert yan sa itikan",).
Puede mo rin puntahan itong site na ito merong manual na pede mong gamitin as guide.

http://entrepinoys.blogspot.com/2006/03/duck-raising.html

76

Re: Duck Raising

Hi Manny (manijer)

oo nga wala kang contact details. Baka pede mong ilagay yung contact details mo...
WOW ang dami nyo palang itik... san nyo kinukuha yung mga dumalagang itik nyo?? para in case na kelangan na nmin is meron kameng ibang option.. although si the fly is mukhang maganda naman yung mga itik nila at reliable din naman.
Maganda pala price ng raw egg ngayon... tanda ko dati is during school season is maganda talga price ng mga itlog ng itik.. me tanong ako ulit.. in your experience magkano ang pinakamababang price ng itlog (average within 1 year period..for the last 1-2 years ago)... pandagdag lang sa feasibility study na ginagawa ko... feeds din ba pinapakain nyo sa mga itik nyo??

salamat
gb

naghahanapbuhay wrote:

MANIJER,

paano naman namin ka mako contact ni email wala kang ibinibigay at cellphone number mo di mo iniiwan.  please i paskil mo naman dito at anytime tawagan ka or email ka namin at yong buong pangalan mo naman please.

77

Re: Duck Raising

hi everyone!

im one of the beginner in this business. ive started last september 2006 ng ipasok ung mga itik 1250 heads. unfortunately ngayon eh bagsak ang egg production ko. plan ko ipastol ko sila this july. my question po is that what kind of bldg are you using? conventional? or litter type (yung elevated)? kasi i was using the litter type bldg. they only gave me 7 mos of good production tapos ngayon i think medyo abunado na sa feeds. sa inyo po ba eh ganun din situation? na you have to pastol the itik after several mos? or diretso na sila for more than a year of production tapos cull na?conventional din po ba gamit nyo na bldg? and what type of bldg is more profitable? ano po kaya dihilan ng mabilis na paglugon ng mga itik ko?

thanks in advance!

78

Re: Duck Raising

manijer wrote:

hi gb,

Sa san nicolas ang location namin. Sa ngaun, mataas ang bilihan nang sariwang itlog (good) 5pesos hanggang 5.20. Actually, meron na din kaming poultry around 12k na itik pero hindi pa din sapat, kailangan kc namin nang 40k-50k na eggs everyday at may plan pa kami na mag-expand nang distribution sa iba pang place nang metro manila at cavite.
Cge, kontakin mo lang ako kapag ready ka nang mag-supply.

God bless!!!

~~manny

sir manijer yung po bang 5 to 5.20 pesos for pick-up po ba o ide-deliver sa inyo itlog? pwedi po ba makuha e-mail nyo o cell #?

salamat po

79

Re: Duck Raising

can anyone post the range of duck egg prices on each month?

if im going to purchase ready-to-lay egg ducks, what are the dos and donts from arrival in farm until laying eggs?

can anyone share as well their health programs used in their farm?

thanks in advance.

80

Re: Duck Raising

Hello to everybody na interested mag-supply nang egg, pwede nyo ako call/text in this number 0917 880 66 38.

Regarding sa price nang egg... this time lang talaga tumaas nang husto na umabot nang 5.20... 1st quarter of this year, range from 4.70 - 4.90 lang presyuhan.

regards,
~~Manny

Manijer's Balut
Wholesaler & Retailer:
BALUT * PENOY * SALTED EGG * QUAIL EGG * CHICKEN FRESH EGG
Contact #: 0917 880 66 38