1

Topic: Kanino, pano, saan...???

Tanong lang po,

Kung mag start ako ng pig business, magsisimula ako sa patabain, may paglalagyan na rin ako(may 8 cages, 10piglets/cage ang kasya). Anong lahi ba ang dapat kong kunin? Saan, kanino ako dapat kumuha ng biik? ilang buwan dapat ang biik na kukunin ko? Kanino ako kukuha ng mag susupply ng feeds? purong feeds ba ang ibibigay ko? Pano pag nagkasakit ang biik, tutulungan ba ako ng pinagkunan ko ng biik para gumaling ito (may bayad din?)? Pano pag namatay ang biik, may guarranty ba na pwedeng palitan ng walang bayad? At ilang buwan ba bago ko mabenta ito? San ako hahanap ng buyer?? Buhay ba na bibilhin o nakatay na? Pano malalaman ang tamang timbang ng biik, kailangan ko bang bumili ng timbangan?

Yan po ang mga katanungan ko, at worries ko sa pag sisimula ng babuyan, Additional, ano po ba mas malake ang kita, patabain o paanakin?

Maraming salamat po.

2

Re: Kanino, pano, saan...???

jojo1 wrote:

Sir,

Since beginner ka, start ka muna sa patabaing baboy(fattener) Mga lahi na dapat mong alagaan ay 3 way cross or 4 way cross, 45-60 days old dapat ang biik na bibilhin mo, ang feeds naman mabibili mo sa poultry store( Bmeg, Feedpro....) walang warranty ang biik kaya pagbutihin mo pag aalaga, pag namatay walang kapalit yun, 4-5 months mo aalagan cya kung nakuha mo ng 45 days, normally 150 - 180 days from birth ang edad ng baboy bago mo ibenta. Liveweight ang bentahan ng biik depende sa lugar mo ang price ng liveweight. Ang pagbili ng biik ay depende merun bultuhan(maliit o malaki). ang 45 days old na biik ay dapat tumimbang cya ng 10 kilos pataas...

Parehas na may kita...ang patabain...malaki ang puhunan at pag iinahin maliit lang puhunan....

Sana nakatulong sau yan....saan ba place ng piggery mo?

3

Re: Kanino, pano, saan...???

Sir, salamat sa pagsagot ng mga katanungan ko, malaking tulong, sa tulad kong planong magsimula sa ganitong hanapbuhay. Kailangan po ba purong feeds ang ibibigay ko? (Ano po marerekomenda nyo, Bmeg o Feedpro?) Ano po bang ibang pwedeng ipakain sa mga fattener bukod sa feeds na hindi isasaalang alang ang mabilis na pagtaba nila? Ilang kilos po ba dapat ang ideal weight ng baboy sa loob ng 150 to 180 days?

Sa La Union, may nakatayo na dong maliit na kulungan. At patabain po muna ang simula ko tulad ng suhestyon nyo. Pwede na kaya ang 10 pcs na biik sa panimula? Nong nagsimula po kayo, ilan ang inalagaan nyo? Ilan ang namatay?

4

Nasa iyo na kung anung brand ng feeds madaming supply sa lugar nyu baka kc mag recommend ako eh hindi pala palagi available better check sa mga feedstore kung alin ang madaming supply. Saka ka na sumubok ng ibang pagkain maliban sa feeds baka magkaproblema ka pa...ideal weight ng 150-180 days ay 85 kilos pataas ang dapat na targwt weight panalo ka na dyan.

Ideal yang 10 heads kc isang anakan yan....28 heads inalagaan ko noong first time at walang namatay....

5

Re: Kanino, pano, saan...???

Sir, gumamit ba kayo ng tinatawag na P.I.G.S.?
Tanong ko na din po. Kung ang baboy ko ay tumitimbang ng 85kilos(buhay), kapag kinatay na, ilang kilos ang ititimbang nito? Kasi may napagtanungan ako sa probinsya ng La Union, na ang bentahan ng buhay ng patabaing baboy ay P95/kilo, kapag "dress" na, ito ay nasa P120/kilo(sila na ang kakatay sa baboy), ano po ang mas mainam na gawin, ibenta ng buhay o ng katay na?

6

Uu, gamit namin sa fattener ang PIGS, Usually ang reseko pag kinatay nasa 14% nawawala. kung ganyan price sa inyu maganda na benta mo na lang liveweight...wala pa sakit ng ulo...pero kung nasa 140 sana maganda na carcass ang benta mo

7

Re: Kanino, pano, saan...???

Additional info, sa bentahan po ng liveweight at dress weight, magkaiba po ang technician (veterinarian ang napagtanungan ko).
 
Kapag sa Pigrolac ang kuha nila sa patabain ay 'yong sa liveweight na bibilhin nila ng P95/kilo, pero di na kasama ng libre don ang vet service(monitoring), shots, vitamins sa mga nakuhang biik.

Samantalang sa isang brand ng feeds(di sikat/kilala), kapag sa kanila kukuha ng pakain, sila na ang bahala sa bakuna, vitamins, monitoring ng mga biik/baboy ng libre at sila na ang bibili ng baboy na dressweight na nagkakahalaga ng P120/kilo.

Mas ok parin po ba ibenta ng liveweight?