41

Re: Small Scale Broiler Operation

JayCel620 wrote:

Kuyang Vet,

Impressed ako sir sa naging performance ng iyong mini poultry broiler grower, parang isang large scalre farm na pinaliit lang.  But the same purpose to arrive on specific weight on a target date of 35 days.  Marami akong natutunan sa munting palitan ng kuro kuro.

Just imagine if you have 1000 heads, that would be a whooping 36K in 35 days....net profit...tama ba kuyang?  ang kailangan lang talaga ay MARKET.

kaya siguro kung contract grower ka kuyang wala ka nang problema right? dahil sagot na lahat ng company ang kailangan mo, including technical know how.  Bale ang magiging sa iyo ay space, buildings, equipments, labor and management.  Tama po ba?

net profit na 36k sa 1,000 heads in 35 days? I believe that would be unlikey kasi may added cost yan, for example, yung sa operation ko, walang vaccine, and then yung labor is free kasi provided ng grower mismo, sa 1,000 heads, kailangan mo na mag hire ng tao at may vaccination kana, kaya, mababawasan yung kita mo because of the added expenses.

Sa contract growing, meron ding mga problema, like: what if yung binigay na feeds at sisiw ay of poor quality at hindi ka nag perform ng maayos? what if na penalty ka? babayaran mo pa yung company...merong mga horror stories na ganyan yung nangyari kaya pag-isipan ng mabuti bago pumirma ng contact...and yes, ganun usually set-up, sa iyo yung housing and management sa integrator/company yung sisiw, feeds, medication/vaccination, at technical support...

What more did you learn? (^_^)

42

Re: Small Scale Broiler Operation

sir pano po makita ang pictures. salamat

43

Re: Small Scale Broiler Operation

hi sir, ask ko rin po paano makita ung pics. or pwede po kayang pasend sa email? ammegirl29@gmail.com.

sobrang interested po ako, kasi nagstart napo kami 100/week ang load ko. Gusto ko kasing iimprove ang housing namin so alam kong makakatulong po ito sa mga starter. Thank you po in advance

44

Re: Small Scale Broiler Operation

Sorry sirs, been busy. For this operation, I don't vaccinate, because I felt that disease challenge was low.  If your area has prevailing diseases that can be prevented by vaccination, I would suggest that you do. Yes, I do use commercial feeds.

Here's the run down of the Expenses and Profit

Operating Expenses:

100 DoC's @ P23/ Bird = P2300
Feeds (5.5 bags) = P6,283
Medication = P530
Labor, Light, Water = FREE (sagot ng raiser)

TOTAL EXPENSES = P 9113

Sales:

78 heads = P9880
19 heads = P2680
2 heads = culled/defective
1 head = given to raiser

TOTAL SALES = P12560

NET PROFIT = P3447

50/50 share between me and raiser = P1,735.5

Sir vet,

pwdi po maka hingi ng feed consumption ng chic from day 1 until harvest time.
may pwisto napo ano sa bayan kainan bali manokan country ang tawag sa amin at mostly nakakaubos kami ng 15 kilos dress chicken a day kaya balak ko na ako na mismo mag aalaga para sa small business namin,sa iyong palagay saan po ba ang mas mainam na buy nalang ako ng dress chicken to more safe at wala nang mortality or kong ako aalaga na mas malaki ang chance ng mortality piro mas tubo sa profit.
salamat po.

45

Re: Small Scale Broiler Operation

3m`s wrote:

Sir, eto po may feed consumption ng chick per day. Halos Cobb kasi mga sisiw dito sa atin, kaya this should give you an idea of how much the consumption is per day..

http://www.sabzdasht.com/pdf/document%2 … 202003.pdf

Feed consumption is shown in grams/bird/day

What more did you learn? (^_^)

46

Re: Small Scale Broiler Operation

good day sir vet,
thanks sa info na bingay mo try ko diin po ang feeding guid na bugay mo

47

Re: Small Scale Broiler Operation

Sir Vet

Tga bukidnon po ako,plan ko sana mag palaki ng basilan or native chicken d2 sa likod lng muna ng bahay kasi newbie pa lng ako sa ganito na business....baka merun ka alam na nagbebenta ng chicks d2 sa bukidnon or sa cdo? or baka nagbebenta po kayu dba kasi merun kayu farm sa cdo? mga 20 chicks lng muna hehe...at itik na rin po baka merun kayu alam salamat po

48 (edited by kenbats Dec 18 2012 14:15:45)

Re: Small Scale Broiler Operation

Sir Vetimer,

Pwede nyo kaya ma-upload uli ung pics ng housing nyo, gusto ko idevelop?

At sa tingin nyo doable po kaya ang autofeeding sa ganitong operation kalutad sa baboy?

May idea po kayo magkano bayad sa pagkatay ng manok? At kailangan din ba na sa slaughter house ito gagawin?

49

Re: Small Scale Broiler Operation

jadef wrote:
vetimer wrote:
kenbats wrote:

Kuyang V,

Hindi po ba bumabaho ang ganyang set-up? Regular lang ba ang paglilinis ng mga dumi nila sa baba at sa loob ng kulungan?

Magkano po net profit sa ganyan sir?

walang ipot na hindi mabaho. (^_^) Yes, regular (daily) ang linis sa baba at sa loob, depende sa level ng ipot. Hindi ko na pinapaabot na paglapit mo sa housing ay maamoy mo yung ipot. If masama ang air quality (ex. mabaho, bad ventilation, inadequate fresh air flow, etc ), affected talaga ang performance ng manok mo.
Post ko yung net profit per bird after harvest, pero ang projection ko sa grow na ito is a minimum of P3k net profit based sa current liveweight price dito sa amin.

nag bobroiler prod din ako, 2 batch @ 100 heads per batch, yung sakin wala walang baho kasi may rice hull sa ilalim ng kulungan at twice a day hinahalukay gamit ang bamboo stick.

Sir Jadef,

May fermented juice ba kayo nilalagay sa Ipa (rice hull) or rice hull lang?  Ano po ang lalim o kapal ng rice hull nilagay nyo?

50 (edited by 3m`s Jan 14 2013 02:33:59)

Re: Small Scale Broiler Operation

sir vet good day,
pwdi po bang maka hingi ng floor plan for 1000 chicken pang starting lang po,at kong ganyan po kadami pwdi na po ba maka contract grower.
help po.
maraming salamat

51

Re: Small Scale Broiler Operation

Gandang araw sa lahat. Kailangan
Ko po ba ng permit para po
Mag alaga ng 1000 heads na manok? Balak ko po kasi magtayo ng bahay ng manok na kasya ang 1k. Salamat po!

52

Re: Small Scale Broiler Operation

ken_kionisala wrote:

Sir Vet

Tga bukidnon po ako,plan ko sana mag palaki ng basilan or native chicken d2 sa likod lng muna ng bahay kasi newbie pa lng ako sa ganito na business....baka merun ka alam na nagbebenta ng chicks d2 sa bukidnon or sa cdo? or baka nagbebenta po kayu dba kasi merun kayu farm sa cdo? mga 20 chicks lng muna hehe...at itik na rin po baka merun kayu alam salamat po

Yes, we do sell depending on availability of our supply. You can contact my father, Florante V. Occeña: 09497084609

What more did you learn? (^_^)

53

Re: Small Scale Broiler Operation

kenbats wrote:

Sir Vetimer,

Pwede nyo kaya ma-upload uli ung pics ng housing nyo, gusto ko idevelop?

At sa tingin nyo doable po kaya ang autofeeding sa ganitong operation kalutad sa baboy?

May idea po kayo magkano bayad sa pagkatay ng manok? At kailangan din ba na sa slaughter house ito gagawin?

1.) fixed the broken link sa pictures, makikita na uli,
2.) tube feeders ang pwede gamitin.
3.)katay ng manok is at Php5-6/ Bird, visit your local municipal/city/provincial veterinary office for the rules and regulations regarding the dressing of chickens in your area. May iba kasing lugar na ang katayan ng manok ay strictly sa slaughterhouse/dressing plant lang...

Hope it helps

What more did you learn? (^_^)

54

Re: Small Scale Broiler Operation

3m`s wrote:

sir vet good day,
pwdi po bang maka hingi ng floor plan for 1000 chicken pang starting lang po,at kong ganyan po kadami pwdi na po ba maka contract grower.
help po.
maraming salamat

1.)Sorry, wala po akong floor plan sa 1,000 bird capacity na housing. Sa isang client ko, 500 capacity housing nya, measurement was 15ft x 30 ft. So if 1k population, 15 x 60ft?
2.)Depende po yan sa contract grower mo if ilan yung gusto nya na ipa grow sa iyo...could be as low as 50 heads (backyard financiers) or 5,000 heads (integrators)

What more did you learn? (^_^)

55

Re: Small Scale Broiler Operation

zoom wrote:

Gandang araw sa lahat. Kailangan
Ko po ba ng permit para po
Mag alaga ng 1000 heads na manok? Balak ko po kasi magtayo ng bahay ng manok na kasya ang 1k. Salamat po!

Punta po kayo sa Barangay office at kausapin si Kap if kailangan pa ba or hindi. Different Barangays have different rules/ordinances kasi, meron iba na ayaw sa poultry, meron naman din iba, kahit 5,000 heads ay considered backyard pa rin. ideally kasi, may Barangay Permit dapat...

What more did you learn? (^_^)

56

Re: Small Scale Broiler Operation

sir vet,
thanks sa info at nakausap na ng partner ko ang contract grower at sa kanila nalang po koha ng copy of housing design at 15t capacity conventional lang po walang budget kasi.paki email naman po ako ng skid ng vaccination program,guide sa pag aalaga ng broilers.
oicresquites3@yahoo.com
many thanks

57

Re: Small Scale Broiler Operation

vetimer wrote:
kenbats wrote:

Sir Vetimer,

Pwede nyo kaya ma-upload uli ung pics ng housing nyo, gusto ko idevelop?

At sa tingin nyo doable po kaya ang autofeeding sa ganitong operation kalutad sa baboy?

May idea po kayo magkano bayad sa pagkatay ng manok? At kailangan din ba na sa slaughter house ito gagawin?

1.) fixed the broken link sa pictures, makikita na uli,
2.) tube feeders ang pwede gamitin.
3.)katay ng manok is at Php5-6/ Bird, visit your local municipal/city/provincial veterinary office for the rules and regulations regarding the dressing of chickens in your area. May iba kasing lugar na ang katayan ng manok ay strictly sa slaughterhouse/dressing plant lang...

Hope it helps

Sir Vetimer,

Salamat. Timing naman at malapit ko ng kailangan ang mga pics  na ito :-)

Tanong ko lang po kung feasible ba na mag-allocate ng isang brooding house para doon lang ilalagay ang bagong dating ng sisiw. At pagdating ng ilang days saka ko ilipat sa growing house katulad ng ginawa mo? Hindi po ba stressful sa manok ang ganito? At ilang araw kaya pwedeng ilipat na ang mga sisiw? Marami kasing ahas at daga sa farm namin kaya baka maubos lang ang mga ito hehehe

58

Re: Small Scale Broiler Operation

kuyang kenneth,
parang chicken naman ang bago mong hilig ah,good po yan kasi may meat shop kana kaya mas maganda ikaw na mismo mag alaga ng dress chicken mo ako gaanon diin ngayon pa kaunti kunti lang muna every day 10 chicken pang inasal lang.

59

Re: Small Scale Broiler Operation

Kuyang 3m's,

Oo nga, susubukan natin baka magclick. Na-ingganyo din kasi ako sa FS ni Sir Vetimer sa set-up nya.

Sana mashare nyo rin ang mga karanasan nyo po :-) Ano po feeds ginagamit nyo?

60

Re: Small Scale Broiler Operation

Kenneth/Allen,

Sa Nueva Ecija nong gumagawa pa kami ng foundations for the NAPOCOR 500KV transmission lines for the prime contractor ABB SAE SADELMI, ay may isang mayari ng lupa na dinaanan ng tower na may 2 puesto din sa palengke. Isa manok lang ang tinda. Ang isa karne ng baboy at baka tinda.  Ang mga tinda nila ay may nagrarasyon. Kumikita pero hindi sagad dahil kasosyo ang nagrarasyon. Year 2007 pa yon.  Aywan ko kung naisip din nia later ang magalaga ng sariling baboy at manok.

Palagay on the right track si Kenneth na magdevelop ng support sa meatshop nia or ang meatshop ang magsupport sa baboyan at manokan nia. Kahit sino ang magsuporta sa mga negosyo na yan ay hindi mahalaga.  Kasi magpapaikot ikot lang ang pera nia habang lumalago lahat ang 3 klase na negosyo.

Later on, gagawa na rin yan ng sariling feeds, at magkaroon pa ng A.I. service, Feed Store, Processed Meat like Langonisa, Tocino at Hamon (for Christmas) at slaugtherhouse ang lalake na yan.

Kompleto na ang lahat at puede ng babalik sia sa Pinas at magpasarap na lang sa buhay.   hehehe.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

61

Re: Small Scale Broiler Operation

Thank you Lord! Claim na natin para mangyari :-)

Ano Kuyang D at Allen, dito na naman tayo sa Manukan, parang completo na yong info natin sa pagbababoy? Ay! ako lang pala makisali kasi dati na kayo nag-aalaga ng manok.

Subukan ko sana gumawa katulad kay Sir Vetimer pero 50 heads capacity lang muna. At lalagyan ko ng ricehull sa baba with fermented juice - sana hindi mangamoy. Di ko lang alam kung effective - ano sa tingin nyo po?

62

Re: Small Scale Broiler Operation

kuyang kenneth,
sabi ko sa iyo good idea po yan ang pagmamanok kasi may sarili kanang meat shop ang last na n200 chick ko may 5 natira croos breed ko sa native na inahin at may lahi ding hulo bali kong swertihin 3 cross na hehhehe.
ako gamit ko sa brooder yong ipa at sa baba diin ng brooder may ipa diin at ang mas effective ang mag gamit ka ng atovi maski wala nang ipa walang amoy ang dumi ng chicken.mgayon nag inquire naman ako sa bagong premix ni sir erik kaya lang wala pang response.
effective diin siguro ang fermented kasi ok mga sa pig so mas ok sa chicken.

63

Re: Small Scale Broiler Operation

Kenneth,

Please go back to my post no. 9 and post no. 10 by Sir Vetimer.

Sir Vetimer's post was in agreement with my post no. 9 plus additional information that I considered very valuable.

Sa post no. 9 ko, ay pinaliwanag ko na kelangan ang 7 housings na tig 100 heads capacity para makapagsupply ng 100 heads per week. Sinabi ko rin na nagalaga ako ng freerange broilers that were harvested after 90 days at meron pa rin net profit but below my desired ROI. 

Just imagine kung magkano ang profit mo pag ang harvest mo ay sa 35 days tulad ng mga broilers ni Sir Vetimer sa post no.10 nia at ang meatshop mo mismo ang mag-retail ng broilers? Solo mo na lahat dahil nawala ang middleman.

At kung 50 heads lang ang weekly requirement mo sa meatshop ay puedeng 7 na housings lang ang ipagawa mo rin pero 50 head capacity na lang at kalahating space lang ang kelangan.

Basta masunod mo lang ang mga precautions ni Sir Irwinmelo, at walang predators at sakit ang mga broilers, ay walang pagkalugi pag ikaw ay mag-alaga ng manok dahil may meatshop ka na.

Pag may grocery store ka na rin sa palengke, ay baka mag-branch out ka na rin sa layer production dahil may outlet ka na rin.  Very rewarding din ang layer egg production pag namaster mo na ang operation na yan. Bukod sa pinagkakakitaan ang itlog ay nabebenta pa ang mga culled chickens pag matanda na. Proven na ang idea na yan. Basta parati lang may kasamang suporta na marketing outlet ang egg or broiler production. Pag lalong naghirap ang tao dahil mas maraming mahirap sa Pinas, ay lalong lumalakas ang benta ng eggs kahit taasan pa ang presyo. Kasi matipid pa rin na alternate food ang eggs sa breakfast, lunch and dinner sa mahihirap. Totoo po ito at based yan sa actual na naobserbahan sa isang kakilala ko.

Ang isang tauhan nga nia, dahil sa dami ng kinaing itlog sa gabi ay binangungot..namatay.  Totoo rin po ito pero tama na siguro ang kuentong ganito at baka burahin na naman ng administrator.  Sorry po, Sir Admin?

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

64

Re: Small Scale Broiler Operation

kenbats wrote:

Thank you Lord! Claim na natin para mangyari :-)

Ano Kuyang D at Allen, dito na naman tayo sa Manukan, parang completo na yong info natin sa pagbababoy? Ay! ako lang pala makisali kasi dati na kayo nag-aalaga ng manok.

Subukan ko sana gumawa katulad kay Sir Vetimer pero 50 heads capacity lang muna. At lalagyan ko ng ricehull sa baba with fermented juice - sana hindi mangamoy. Di ko lang alam kung effective - ano sa tingin nyo po?

Kenneth,

Tama ka. Parang kompleto na nga ang info sa pagbababoy. Implementation na lang napagusapan at posting ng mga pics para makita ang resulta.

Tungkol naman sa 50 heads lang na capacity ng chicken housing, papano mo malalaman kung effective ang gawa mo kung hindi mo susubukan?  Madali namang remedyohan pag nangamoy ang gawa mo dahil sangkatotak ang mga experto dito sa forum (hindi ako, ha) na tutulong sayo. hehehe.

Ang isa pang bentahe pag sinubukan mo ito (isa lang muna) ay mga mumurahing materiales lang ang gamit sa chiken house na design ni sir Vetimer.  Hindi masakit sa bulsa, di ba?

Pero Kenneth, tested na ito ni Sir Vetimer. Bakit ka pa kakabahan?  Kung may puesto lang ako sa palengke, matagal na akong nakisawsaw sa ganitong operation. hehehe.

Tulad din ito sa peking duck, kung may ready market na ay magaalaga uli ako ng peking duck. Ang bibilis talaga lumaki and at 45-50 days, kung may buyer sa por kilo ay walang kalugi-lugi.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

65

Re: Small Scale Broiler Operation

Kuyang D,

Gatungan mo pa para lalakas loob ko hehehe.... mukhang migrate na nga talga tayo dito sa thread ni Sir vetimer :-)

Saan mo pala napost ang brooder design mo? baka pwede natin i-post dito uli...

Ang pinag-alala ko lang talaga ay ang amoy ng ipot. Kaya pinag-aralan ko ng mabuti. Tama po kayo paano ko malalaman kung hindi natin susubukan. Ang binabalak ko na materials ay ung hindi ako mahirapan sa paglipat kung sakaling hindi ko masolusyunan ang amoy :-) tignan po natin kung anong development pagkatapos ng bakasyon ko.

@ 3ms, maganda rin ang narinig ko na feedback sa atovi sa poultry. Gamitin ko yan paghindi uubra ang fermented IPA.

Mga Kuyang, pwede din kaya na fish tab or pond ang sa baba ng poultry house? Feasible din ba ang ganitong set-up? Kung pwede kasi, double purpose hindi lang manok maibenta ko pati tilapia hahahaha

66 (edited by duckduck Mar 01 2013 22:00:53)

Re: Small Scale Broiler Operation

Kenneth,

Subukan mo click itong link at makikita mo ang post ng 71-year old design of the electric brooder for DOCs (day old chicks).  At ang thread ay maraming contribution posts from other members.

Itong electric brooder ay ginamit ko sa layer chicks, peking duck chicks, broiler chicks with success with very minimal casualties.  Actually mga 1 or 2 lang dahil sa stress sa biahe sa bus that is 12 hours bus ride from Manila to Bicol.  Also pag dating ng day old chicks ay pinapakain agad namin ng pinirasong pakwan at hinog na saging para makarekober sa stress sa biahe.

Removable naman itong electric brooder at pag lumaki na ang mga sisiw at may mga makapal na balahibo na panlaban sa lamig ay puede ng tangalin para makaluwag sa lugar until lumaki sila for 35 days and ready to market na. 

Puede mong pagaralan ito kung magagamit sa chicken housing design ni Sir Vetimer.

Ugali ng mga manok na pag may pakpak na sila ay dapat may hapunan sila na nakaangat sa flooring. Pag gabi na ay hahapon sila sa maliit na kawayan na iba iba ang pagkaangat mula sa flooring ang pagkalagay. Pag nakahapon sila habang natutulog ay ipot na lang sila ng ipot na nalalaglag ang ipot  sa flooring.

Ang flooring ng brooder house ko ay DBS na mga 2 inches ang kapal sa flooring.  Ang lugar na may mga ipot ay nilalagyan namin ng IPA araw araw at spray namin ng IMO para walang amoy. Kung 50 heads or 100 heads lang ang laman ng housing basta tama sa sukat ang housing ay kayang kaya alisin ang amoy ng ipot sa DBS system.

Please click on the link below to see the entire thread:

http://mboard.pcaarrd.dost.gov.ph/forum … 198#p96198

Ito naman ang link (just click on it) ng pinaggamitan ko ng electric brooder sa mga day old sisiw ng peking duck/broilers.  pati na design ng ibang members sa brooding/bahay ng peding ducks from sisiw to market age. Dito ko rin posted ang mga peking ducks matapos sa brooder house ay nilipat sa DBS housing until magmature na sila in 45 to 55 days old.

Kung hiwalay ang brooder house sa paglilipatin sa kanila ay hindi naman problema ang paglipat at hindi stressed ang mga sisiw.  Kasi pag pinakakain mo araw araw ang mga sisiw, maamo sila sa nagaalaga. Sumasalubong nga ang mga yan tuwing magpapakain ang nagaalaga. Madaling ilagay sa lagayan (kahon) para ilipat sa ibang housing na palakihan sa kanila.  Pero sa design ni Sir Vetimer, ay isang lugar na lang until market age na sila.  Maganda na siguro na maglagay na lang ng electric brooder sa housing na designed ni Sir Vetimer at pag age 21 days ay saka alisin ang electric brooder:

http://mboard.pcaarrd.dost.gov.ph/forum … 43#p112643

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

67

Re: Small Scale Broiler Operation

Kuyang D,

Salamat sa link andoon lang pala ;-)

Kumusta po ang ipa sa batch na un hindi po ba bumabaho ang beddings na un? Nagpalit na ba kayo?

Ano po pala ang lalim ng tilapia pond nyo, at ano po ang density requirement naman?

68

Ang brooding period ay 21 days lang naman.  Concrete flooring ang brooding house. Pinatungan namin ng 2 inch na Ipa ang concrete flooring.  Naglagay kami ng apat na hollowblocks na tuntongan ng electric brooder. Pinatong din namin ang mga pakainan at inuman sa DBS.

Every morning, ay pinapatongan namin ng bagong IPA ang parte ng DBS na may mga ipot at nagspray din kami fermented disinfectants sa lugar na may mga ipot na pinatungan ng IPA.

Walang namang baho. Katulad din sa Baboyang Walang Amoy. Each time na inalis ang mga sisiw after 21 days at nilipat na sila sa freerange ay nililinis namin ang DBS materials at nilalagay namin sa compost pile.

Pero sa design ni Sir Vetimer ay duon pa rin sila sa chicken housing from sisiw to market age. At hindi nakaDBS ang chicken house nia.

Sa DBS palagay ko ay puede din ang mga broilers up to market age dahil 35 days lang a harvest na sila. Pagdating ng 21 days ay tatangalin na ang mga electric brooders. From 21 days to 35 days ay 14 days lang or 2 weeks. Kayang kaya labanan ng DBS ang amoy ng ipot. Kaya lang from 21 to 35 days, dapat may hinahapunan na sila sa loob ng chicken house para madaling magsaboy ng bagong IPA at disinfectant sa ilalim ng haponan dahil don bumabagsak ang mga ipot nila.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

69

Re: Small Scale Broiler Operation

Kuyang D,

Sa tingin nyo parang mas laborous kung naka-apak ang manok sa DBS kaysa ung design ni Sir vetimer at DBS sa baba?

Ilang besis po ba magpapakain ng manok na nasa kulungan? Kung ang manok naka confined kailangan pa ba bigyan ng grits (buhangin) para tutulong sa paggrind ng pagkain na nasa gizzard?

70 (edited by duckduck Mar 04 2013 04:58:38)

Re: Small Scale Broiler Operation

kenbats wrote:

Kuyang D,

Sa tingin nyo parang mas laborous kung naka-apak ang manok sa DBS kaysa ung design ni Sir vetimer at DBS sa baba?

Ilang besis po ba magpapakain ng manok na nasa kulungan? Kung ang manok naka confined kailangan pa ba bigyan ng grits (buhangin) para tutulong sa paggrind ng pagkain na nasa gizzard?

Kenneth,

Mas laborious ang setup ni Sir Vetimer, dahil daily ay linis ng mga ipot sa kawayan na inaapakan ng mga sisiw.  Kasi hindi naman lahat ng ipot ay pina-so-shoot ng sisiw sa siwang ng kawayan para dumiretso sa lupa sa ibaba. Maraming ipot pa rin ang sumasampid sa mga kawayan na sahig na dapat ay e-water hose araw araw para bumagsak sa lupa sa ibaba.  Pagkatapos kelangan pa mag-maintain ng ipot sa ibaba sa lupa.

Pag DBS ang galawan ng mga sisiw, ay hindi na mag water hose ng ipot.  Patungan na lang ng IPA ang mga ipot at saboyan ng fermented IPA ang DBS area every 2 weeks, tulad ng setup ng taga Bacolod sa picture nia. Ginaya namin ang taga Bacolod and after 21days ay nililipat na namin sa freerange area ang mga sisiw.  Pero kung 35 days broiler chickens ang aalagaan, ay diretso na ang mga manok for the rest of the remaining 14 days sa loob ng chicken house.

Sa pic ni Sir Vetimer ay puedeng latagan ng newspapers ang sahig na kawayan. Pagkatapos ay patungan ng 2 inches high na IPA ang newspaper. Yon lang. Wala ng linis-linis ng ipot araw araw. After 21 days ay tangal na ang electric brooder at makakaluwag na sa galawan ang mga sisiw. Maglagay na lang ng mga small bamboos na hahapunan ng mga manok kung gabi dahil inborn trait ng lahat ng manok ang humapon pag matutulog na. Pagsapit ng 35 days ay harvest na. Pag wala ng manok ay roll up na lang ang newspapers kasama ang mga IPA at lagay na sa compost pile.

Basta ang pakainan ay tulad lang sa picture ni Sir Vetimer para hindi contaminated ng mga ipa at ipot ng mga sisiw ang feeds. Ganon din sa kabila, pero painuman naman.  Ad libitum ang pakain sa mga sisiw at hindi na kelangan ang grits dahil complete feeds na ang pagkain sa kanila.

Makakatipid ka rin sa feeds, pag gumamit ka ng Premix ni Erik. Gumagamit na kami ng premix sa mga layers ko at kami ay nakakatipid na.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

71 (edited by kenbats Mar 04 2013 10:45:39)

Re: Small Scale Broiler Operation

Kuyang D,

Tama po kayo mukhang mas laborous ung kay Sir Vetimer kaysa sa DBS. Ang advantage lang sa kay Sir Vetimer, ay pwede siya magharvest ng ipot para pakain sa fishpond or fertilizer - samantala ang DBS ay fertilizer lang talaga.

1. Mga gaano po ka lalim or kakapal ang kailangan ng DBS para sa manok?

2. Sa tilapia nyo nagbibigay ba kaya ng ipot ng manok or aquafeeds lang talaga?

3. Paano po ang ratio ng premix ni Kuyang Erik?

4. Sa sisiw nabanggit nyo na ad libitum, pagmalaki na po restricted na po ba?

5. May thermostat po ba ang brooder na ginawa nyo? Ano pala sukat nito, ilang watts ng ilaw, at ilang sisiw kaya?

72

Re: Small Scale Broiler Operation

kuyang tony,
paki email naman ko ng premix ni sir erik or kong pwdi mo ma share dito ang details balak ko diin mag order piro not yet pa naka reply si sir erik.mgayon kasi broilers naman ang nasa plan ko ay naka pag katay kami 50 chicken every 4 days piro mag load ako 100 per week as you said before kaya ginaya ko nasa 700 load ko para tuloy tuloy ag harvest at atovi lang ang pang defense kasi hindi ako nag anti biotic.same as you said ako ipa lang dagdag lang nang dagdag at ever day hinahalo lang namin ang ipa sa kulongan para sa gayon mag mix ang wet sa dry na ipa 28 days lang harvest kami 1.2kg kasi ang inasal maanok namin maliliit na kasi kong malaki ang binta mo lugi na mahal ang chicken ngayon.
ang friend ko balak namin mag contract grower start 15taw capacity baka this year maka pag start kami.kaya dry run ko muna ang pre mix ni sir erik if effective baka volume na ang orderin ko.

73

I'll put my answer na dito in accordance with the number of your questions:

1. Initially 2 or 3 inches from the flooring na nilatagan ng newspapers. Nadagdagan yan pag tinatakpan ng IPA ang lugar na may ipot.  weekly sinasaboyan namin ng fermented IPA (14 days fermentation para matapang at maasim) ang DBS area.

2. Hindi kami nagbibigay ng ipot sa tilapia namin dahil hindi sa lupa ang artificial ponds namin. Tseka sabi nila ay may amoy tae daw ang tilapia na pinakakain ng ipot ng manok.

3. Ang ratio ng premix ni Erik ay 1kilo premix to 150 kilos D1 to 150 kilos commercial feeds. Per computation ko ay 22% ang savings compared to 100% commercial feed ang pakain. Halos pareho sa organic feed namin, pero menos ang trabaho. Kaya nga natutuwa ako pag successful ang testing dito sa 10 piglets namin dahil magkakaroon kami na second option pag kinapos kami ng tanim.

4. Sa sisiw, ad libitum. Pag malaki na ay siempre adlibitum pa rin. Up to 21 days tangal na ang electric brooder dahil may balahibo at pakpak na sila. 14 days lang ay harvest na sila. Hindi ka masyado malulugi pag adlibitum pa rin until harvest time to ensure tama ka sa timbang.  Lalo hindi ka manghinayang sa adlibitum pag ang pinakakain mong feeds ay ang premix ni Erik na ganon din ang timplada.

5. Hindi na kami naglagay ng thermostat. Ang electric brooder ay isang 100 bohiyas lang nilagay namin. Kasi mainit na rin ang DBS materials. Napansin nga namin, magkakahiwalay sila sa pagtulog ng sisiw pa sila. Ang design ay nasa bandang itaas na link na nilagay ko na galing sa taga Bacolod.  Ang isang marine plywood ay makakagawa eksakto ng isang electric brooder.  Kayang kaya ng isang electric brooder ang 50 chicks.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

74 (edited by duckduck Mar 04 2013 14:08:18)

Allen,

Nilagay ko na ang detalye ng mixing ng Premix ni Erick sa sagot ko kay Kenneth.

Tony

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

75

Re: Small Scale Broiler Operation

kuyang tony,
tama po ba 1kg of premix in 150 kg of feeds or fermented feeds paano kong commercial feeds from chick booster ang umpisa or sa starter stage na?ang atovi ko kasi from arrival ng chick until harvest na minsan unit 21 days lang basta malalaki at masigla ang chicken.
iban diin po ba ang nabangit nila na liquid type na premix?
thanks

76

Ito ang paliwanag ni Erik sa mga tanong mo:

Per Erik:
Mga Kuyang...

Versamin Premix Powder at Microhub Liquid - para po sa baboy at manok

Immunogen (powder) at Microhub (liquid) halos iisa po ang components nila ay ito ay recommended para sa mga chicken broiler at pag sa layers ay ginagamitan ng immunogen powder para sa long lasting period of egg laying. hindi ko lang po naipaliwanag na masyado na ung isa ay powder at ung isa ay liquid...

Pag gumamit ka ng premix, itigil mo na ang atovi. Otherwise masyado na mataas ang cost mo at baka malugi ka lang. Palagay ko naman maliwanag na ang paliwanag ni Erik.

Ang ratio ng premix ay maliwanag din:  1 kilo premix ihalo sa 150 kilos D1.  Tapos and D1 na may halong 1 kilo premix ay ihalo sa 150 kilos na commercial feeds. Kami ay gumagamit ng mixer sa paghalo. Pag mano mano ang ginawa mo ay masyado matrabaho at baka hindi masyado maihalo ang 1 kilo na premix sa 300 kilos na d1 at commercial feeds.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

77

Re: Small Scale Broiler Operation

kuyang tony.
good day thanks sa paliwanag,at try ko diin pag maka bili ako sa isang batch na chick ko para ma compare ko sa atovi.mas malaki pala ang matitipid sa feeds if ganoon ang mixing 300 kilos feeds/d1 pre kilo ng premix.
so ang pag buy mo dahil d tangap sa lbc ang liquid via bus nalang puntang bicol?

78

Re: Small Scale Broiler Operation

duckduck wrote:
kenbats wrote:

Kuyang D,

Tama po kayo mukhang mas laborous ung kay Sir Vetimer kaysa sa DBS. Ang advantage lang sa kay Sir Vetimer, ay pwede siya magharvest ng ipot para pakain sa fishpond or fertilizer - samantala ang DBS ay fertilizer lang talaga.

1. Mga gaano po ka lalim or kakapal ang kailangan ng DBS para sa manok?

2. Sa tilapia nyo nagbibigay ba kaya ng ipot ng manok or aquafeeds lang talaga?

3. Paano po ang ratio ng premix ni Kuyang Erik?

4. Sa sisiw nabanggit nyo na ad libitum, pagmalaki na po restricted na po ba?

5. May thermostat po ba ang brooder na ginawa nyo? Ano pala sukat nito, ilang watts ng ilaw, at ilang sisiw kaya?

Kenneth,
I'll put my answer na dito in accordance with the number of your questions:

1. Initially 2 or 3 inches from the flooring na nilatagan ng newspapers. Nadagdagan yan pag tinatakpan ng IPA ang lugar na may ipot.  weekly sinasaboyan namin ng fermented IPA (14 days fermentation para matapang at maasim) ang DBS area.

2. Hindi kami nagbibigay ng ipot sa tilapia namin dahil hindi sa lupa ang artificial ponds namin. Tseka sabi nila ay may amoy tae daw ang tilapia na pinakakain ng ipot ng manok.

3. Ang ratio ng premix ni Erik ay 1kilo premix to 150 kilos D1 to 150 kilos commercial feeds. Per computation ko ay 22% ang savings compared to 100% commercial feed ang pakain. Halos pareho sa organic feed namin, pero menos ang trabaho. Kaya nga natutuwa ako pag successful ang testing dito sa 10 piglets namin dahil magkakaroon kami na second option pag kinapos kami ng tanim.

4. Sa sisiw, ad libitum. Pag malaki na ay siempre adlibitum pa rin. Up to 21 days tangal na ang electric brooder dahil may balahibo at pakpak na sila. 14 days lang ay harvest na sila. Hindi ka masyado malulugi pag adlibitum pa rin until harvest time to ensure tama ka sa timbang.  Lalo hindi ka manghinayang sa adlibitum pag ang pinakakain mong feeds ay ang premix ni Erik na ganon din ang timplada.

5. Hindi na kami naglagay ng thermostat. Ang electric brooder ay isang 100 bohiyas lang nilagay namin. Kasi mainit na rin ang DBS materials. Napansin nga namin, magkakahiwalay sila sa pagtulog ng sisiw pa sila. Ang design ay nasa bandang itaas na link na nilagay ko na galing sa taga Bacolod.  Ang isang marine plywood ay makakagawa eksakto ng isang electric brooder.  Kayang kaya ng isang electric brooder ang 50 chicks.

Kuyang D, salamat sa sagot ha? malaking tulong po ang feedback ng experience talaga.

Sa 21 days na brooder, kailangan ko pala ng at least 6 na brooder :-) para sa 50heads/ weekly harvest operation.

79

Re: Small Scale Broiler Operation

kenbats wrote:

Kuyang D, salamat sa sagot ha? malaking tulong po ang feedback ng experience talaga.

Sa 21 days na brooder, kailangan ko pala ng at least 6 na brooder :-) para sa 50heads/ weekly harvest operation.

Kenneth,

Walang anuman. Correct me if I am wrong. Pero parang may mali sa 21 days na electric brooder ay gagawa ka ng 6 na electric brooders.  However kailangan m talaga ng 6 na brooder/chicken houses as explained below:

1. Sa electric brooders ay 4 lang na electric brooders at ang pangapat ay itago para gamitin kung may emergency lamang. 

By the time kasi  na sumapit ang katapusan ng 3rd week ay libre na ang brooder ng first week. Sa 4th week naman ay libre na ang brooder ng 2nd week, etc.until you reach the 5th week. 

2. Pag-natapos ang 5th week or 35 days ay harvest na ng chickens ng 1st week.  Kaya dapat 6 na chicken houses ang ipagawa mo para ang pinaka-anim na chicken house ay malagyan din ng 50 heads habang nililinis ang 1st week chicken house.

Tuloy tuloy na cycle ng paglipatlipat ng electric brooders at pati na ang cycle ng pagharvest ng 50 heads every week.

Tama kaya ang computations ko?

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

80 (edited by kenbats Mar 05 2013 21:32:35)

Re: Small Scale Broiler Operation

Kuyang D,

Salamat sa correction nyo at binilang ko po uli, at ito ang table na ginawa ko;

http://i1177.photobucket.com/albums/x345/kenbats/chickenpenning_zps2e42aea3.jpg

Balik tayo sa table, 4 ang kailangan ko na brooder (yellow, greed, blue at orange), ang kailangan ko lang na spare ay ang "bulb" kung mapundi.

Sa bilang ng pen, tama lang ang 7 pero mas maainam kung may spare.

Tama na kaya yang table ko sir Tony? May luma akong green house na iconvert ko sa chicken house at makakagawa po ito ng 6 pens (10feet x 5feet). Pero sa table kulang pa ako ng 2 pen, saka na ako magdagdag kung uubra ang testing :-).

Gamitin ko muna ang commercial feeds para maevaluate ko ang actual expense at performance ito kasi ang gawin kung basis sa price ng karne ng manok. At saka ko subukan ang premix ni Kuyang Erik, na alam naman natin matipid ito.

Tungkol nman sa DBS, kailangan ba na palitan after harvest ng manok?

Sinubukan po namin pala ang IPA na iferment hindi po naferment? ano kaya ang mali? kasi pagdarak okay naman?