1

Topic: Backyard Piggery Design (Modular)

Here's a design of a small backyard piggery that I made using Google Sketch-up (wala kasing naka schedule na client this morning, kaya eto nalang ang pinag ka abala sa office...hehehe!)

Pic 1 (Pangarap ko ay ganito)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesign4houses.jpg
Pic 2 (Naka curve yung lalagyan ng feeds para efficient yung pag kain ng baboy)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesigncurvefeedingthroughview.jpg
Pic 3 (Curve din yung daanan ng waste para madali yung flow at hindi ma aksaya sa tubig)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignditodaanyungdumi.jpg
Pic 4 (May dividers/grill para hindi natutulugan ng baboy yung feed through)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignfeedingthrough.jpg
Pic 5 (Sa loob ng bahay, importante na pahaba ang design)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesigninsideview.jpg
Pic 6 (3/4 view)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignISOView.jpg
Pic 7 (sewage view, maganda rin na may cover sya to discourage flies)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignSewageview.jpg
Pic 8 (Notice the sloping flooring para madali mag dry yung sahig)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignslopeflooring.jpg
Pic 9 (yung mga circles say doon nilalagay yung nipple drinkers)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryNippleDrinkers.jpg
Pic 10 (View ng septic tank, medyo maliit lang ginawa ko para maliit lang yung picture, pero mas maganda if malaki and covered sya para hindi mag reklamo yung friendly neighbors natin)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggerySepticTank.jpg

Important notes:
> at least 7 ft. yung height ng flooring to ceiling (good air quality= healthier pigs)
>sloping floor (dries easily and facilitates easier movement of water outside the pen)
>location of nipple drinkers must be near the waste outlets (para may wet and dry area)
>minimum of 2 nipple drinkers (in case mag malfunction yung isa, ay hindi ma dehydrate yung baboy)
>regularly check nipple drinkers for proper flow rate of water
>insulated roofing (if yero, mas maganda if may insulator para hindi magiging oven yung piggery) nipa and cogon is very good in providing pig comfort, kaso lang, not as durable as yero.
>Apply curtains (in case malamig sa gabi or malakas yung hangin at ulan)
>Regarding proper spacing, drinker height, etc, go to http://www.thepigsite.com/stockstds/ for more details

Hopefully this helps, sa susunod naman, yung DBS design...(^_^)

What more did you learn? (^_^)

2

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

kuynag vet,
ganda naman yan..
may plan diin sana ako pakita kaya lang hindi ko alam mag post.

3

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

3m`s wrote:

kuynag vet,
ganda naman yan..
may plan diin sana ako pakita kaya lang hindi ko alam mag post.

send mo nalang sa email ko: 7candlesburning@gmail.com

I'll post it in your behalf...(^_^)

What more did you learn? (^_^)

4 (edited by kenbats Apr 24 2012 16:27:55)

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

3m`s wrote:

kuynag vet,
ganda naman yan..
may plan diin sana ako pakita kaya lang hindi ko alam mag post.

Kuyang 3m's,
Padala mo kang kuyang duckduck or pwede din sa akin, para makita ng iba ang ideas mo :-)

For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul?

5

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

mga kuyang,
sorry na delete na pala ang file ko kasi nag reformat ang laptop ko walang copy..
pag hindi ko busy gagawa ako ulit.

6 (edited by duckduck Apr 25 2012 05:42:33)

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Sir Vetimer,

Suggestion lang po.  Always provide 2 sets of auto drinkers specially pag enbedded sa concrete walls ang linya ng plumbing works. One set with a height of 12" from the floor and another set with a height of 24" from the floor.  Ang 12" height ay para sa mga biik habang maliit pa lang sila dahil hindi nila aabutin ang 24" height.  Pag malaki na sila ay mahirapan ng uminom sa 12" height na auto drinkers.

Parang conventional design ito na concrete ang flooring.  Therefore lahat ng units ay may kanya kanyang septic tanks or lahat ng units ay channeled sa isang malaking septic tank ng excrements ng mga baboy or biik.  Malaking space ng lote ang kakainin ng septic tank to accomodate the excrements of 4 units.  At kahit may malaki at malalim na septic tank ay mabaho pa rin lalo na between oras ng pagtulog ng mga farm workers (tae ng tae at ihi ng ihi ang mga baboy) hanggang sa paggising nila.  At paggising naman ng mga farm workers at naglinis na ng mga tae ay lalong mabaho pag nadudurog ang tae sa pag hose papunta sa canal at bago mahulog sa septic tank.

The above description is based on the 5 hectare conventional piggery and poultry of my late brother at ang property ko lang ang immediate katabi nia and just separated by madre de cacao fence. Actual experience na namin na pag ang simoy ng hangin ay papunta sa amin ay napakabaho talaga pero hindi ko naman maereklamo dahil kamaganak.

At ito rin ang dahilan kaya main recommendation sa mga nabasa ko na sa conventional piggery na itayo ito sa sarili mong lupa (hindi ka basta basta mapapaalis) na agricultural zoned, na if possible walang kapitbahay.  Pag may kapitbahay ka na at mabaho ay siguradong may magrereklamo sa authoridad.  Mahirap at magastos bigyan ng solusyon ang reklamo tungkol sa baho pag may nagreklamo.  Iba na talaga ang DBS design na Baboyang Walang Amoy.  Constructive comments lang po ito based on experience.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

7

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

kung elevated ang flooring like the typical nursery buildings, mas matipid sa tubig at hindi kasing baho kasi mas nagda dry-up faster ang tae.

8

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

irwinmelo wrote:

kung elevated ang flooring like the typical nursery buildings, mas matipid sa tubig at hindi kasing baho kasi mas nagda dry-up faster ang tae.

Kuyang Irwinmelo,

Nahihirapan na akong hanapin yong recommends mo na 5 pig housing na iba ibang edad ng baboy ang laman para magkaroon ng continuous na supply ng market hogs every week.

Puede po bang paki post uli dito para guide ng mga ka-forum kung sakaling magustuhan nila?  I for one ay interesado po.

Thank in advance.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

9

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

irwinmelo wrote:

kung elevated ang flooring like the typical nursery buildings, mas matipid sa tubig at hindi kasing baho kasi mas nagda dry-up faster ang tae.

Elevated po ang lahat ng flooring ng piggery ng late brother ko...required po para madaling umagos ang lahat sa septic tank sa bandang ibaba...matipid nga sa tubig dahil madaling umagos pero mabaho pa rin.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

10

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Very good suggestions Sir duckduck, tama po yung sinabi nyo regarding sa height ng nipple drinkers kapag naka baon sa cemento. Another good idea would be a nipple drinker with adjustable height. Parang may flexible hose between the pipe connections para ma elevate or lower mo yung nipple drinker according to the height of your pig.

Regarding the smell issue, meron po talagang amoy kapag plain septic tank lang ang gamit, pero pag may waste treatment system (anaerobic and aerobic tanks) or biogas system ay hindi naman po magiging issue ito...regardless if elevated or non-elevated yung set-up.

What more did you learn? (^_^)

11

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Vetimer,

Ang baho na sinasabi ko ay sa magdamag na taehan ng taehan ang mga baboy and during the time na naghohose ang mga workers ng mga tae sa cementadong kinalalagyan ng mga fatteners.  Habang hinohose ay may nadudurog na tae at pag nagalaw ang mga tae ay umaalignasaw ang baho.  Pag malakas ang simoy ng hangin ay dinadala ng hangin ang amoy na mabaho. Pag nasa loob na ng septic tank ang mga tae ay wala ng problema.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

12

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Usually ang mas mabaho ay doon mismo s pen, mas maamoy ang tae ng baboy kapag nababasa. kaya nga ang suggestion ng karamihan dry cleaning (walis/dakot) muna bago gumamit ng tubig. nagkakaroon agad ng immediate reaction once naintruduce ang tubig.

Ang nagpapabaho kasi ng tae ay un excess protein n hindi ndigest. kaya nga ang iba ay gumgamit ng atovi para makatulong madigest un protein in effect less ang amoy at hindi masayang un protein ng feeds.

13

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Ang sabi naman ni Sir Conrado, sa fermented feedspro daw ay halos digested lahat ang kinakain ng baboy at ang tae daw ay hindi masyado mabaho.  Mas maganda siguro pag may atovi pa ang fermented feeds.  Ngyon na may feedspro na sa Sorsogon ay masusubukan namin ang wet feeding sa fermented feeds.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

14

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Kung ang fermented feeds ay ginagawa para magkaroon ng good bacteria sa feeds, pwede kaya maglagay ng lactobacillus powder sa dry feeds?

For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul?

15

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

kuyang vet,
pinadala ko na po ang ginawa kong mini piggery ko exel form lang hindi kasi ako maronong sa ibang gamit ng com.
ang flooring ng piggy haus ko elevated diin po piro iniipon po ang tae ng pig at bilad ginagawang fertilizer sa palayan at pakain sa tilapya at sa manok po,my halo kasing atovi ang feeds ko even na mix 50% feeds 50% darak.

16

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

kenbats wrote:

Kung ang fermented feeds ay ginagawa para magkaroon ng good bacteria sa feeds, pwede kaya maglagay ng lactobacillus powder sa dry feeds?

Nong nagalaga pa ako ng pitbulls, binigyan ko rin ng lactobicillus capsules mga aso ko pero walang akong nakitang pagbabago.  Kaya nag-shift ako sa raw food na pakain sa kanila.  Pero hindi ko alam at baka magkaiba ang GI makeup ng aso sa baboy.

Anyway, ang isa pa na napansin ko sa sinasabi nila na maganda sa fermented food ay ang good digestability.  At ang possible na once a day lang ang pakain sa mga baboy tulad ng sinasabi ni Mr. Andry Lim.  Ito ang goal na gusto kong matesting kung tutuo nga o hindi dahil sa aso ay minsan isang araw lang ang pagpakain namin.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

17

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Wow, anggaling ng idea! Simple yet perfect. Para sa mga newbie gaya ko, naintindihan ko ang detalye ng design and their purpose. Pwede po ba gayahin ang design nyo? Thanks

18

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

vetimer wrote:

Here's a design of a small backyard piggery that I made using Google Sketch-up (wala kasing naka schedule na client this morning, kaya eto nalang ang pinag ka abala sa office...hehehe!)

Pic 1 (Pangarap ko ay ganito)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesign4houses.jpg
Pic 2 (Naka curve yung lalagyan ng feeds para efficient yung pag kain ng baboy)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesigncurvefeedingthroughview.jpg
Pic 3 (Curve din yung daanan ng waste para madali yung flow at hindi ma aksaya sa tubig)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignditodaanyungdumi.jpg
Pic 4 (May dividers/grill para hindi natutulugan ng baboy yung feed through)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignfeedingthrough.jpg
Pic 5 (Sa loob ng bahay, importante na pahaba ang design)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesigninsideview.jpg
Pic 6 (3/4 view)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignISOView.jpg
Pic 7 (sewage view, maganda rin na may cover sya to discourage flies)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignSewageview.jpg
Pic 8 (Notice the sloping flooring para madali mag dry yung sahig)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryDesignslopeflooring.jpg
Pic 9 (yung mga circles say doon nilalagay yung nipple drinkers)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggeryNippleDrinkers.jpg
Pic 10 (View ng septic tank, medyo maliit lang ginawa ko para maliit lang yung picture, pero mas maganda if malaki and covered sya para hindi mag reklamo yung friendly neighbors natin)
http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/BackyardPiggerySepticTank.jpg

Important notes:
> at least 7 ft. yung height ng flooring to ceiling (good air quality= healthier pigs)
>sloping floor (dries easily and facilitates easier movement of water outside the pen)
>location of nipple drinkers must be near the waste outlets (para may wet and dry area)
>minimum of 2 nipple drinkers (in case mag malfunction yung isa, ay hindi ma dehydrate yung baboy)
>regularly check nipple drinkers for proper flow rate of water
>insulated roofing (if yero, mas maganda if may insulator para hindi magiging oven yung piggery) nipa and cogon is very good in providing pig comfort, kaso lang, not as durable as yero.
>Apply curtains (in case malamig sa gabi or malakas yung hangin at ulan)
>Regarding proper spacing, drinker height, etc, go to http://www.thepigsite.com/stockstds/ for more details

Hopefully this helps, sa susunod naman, yung DBS design...(^_^)

Sir - magkano po estimated n magagastos po dito?

19

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Yan po ang hindi ko masasagot, hanggang design lang po kasi kaya ko. Maganda if pakita mo sa isang engineer or sa carpenter/mason mo para mabigyan po kayo ng estimate sa bill of materials.

What more did you learn? (^_^)

20

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

beverly_summer wrote:

Wow, anggaling ng idea! Simple yet perfect. Para sa mga newbie gaya ko, naintindihan ko ang detalye ng design and their purpose. Pwede po ba gayahin ang design nyo? Thanks

Yes, your welcome to do so. It's my advocacy to share what I have learned to my kababayans, and hopefully do my share of contribution in the betterment of this country. (^_^)

What more did you learn? (^_^)

21

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Sir, sana po pwede maka request ng mas malaking kopya ng mga pictures niyo. Ni-PM ko po sa inyo ang email address ko.

Maraming salamat po sa tulong niyo, at mabuhay po kayo!

*D

22

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Good day po,
Anu po dimension ng feeding Trough nyo kasi gusto ko po lagyan ng pen ko. Anu po ba dapat ratio ng dividers sa feeding trough? Dapat 1:1 sa alagang baboy? Salamat po

23

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Feeding trough length per head is 0.3m or 12inches

"I like pigs. Dogs look up to us. Cats look down on us. Pigs treat us as equals."

24

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

wmcompra wrote:

Good day po,
Anu po dimension ng feeding Trough nyo kasi gusto ko po lagyan ng pen ko. Anu po ba dapat ratio ng dividers sa feeding trough? Dapat 1:1 sa alagang baboy? Salamat po

Sir,

Ang dimension ay sinagot na ni Sir Supervisor.

Sa tanong mo naman na 1:1 sa alagang baboy, palagay ko ibig mong sabihin ay ang number ng dividers or spacing ng individual space ng feeding troughs na kung 15 piglets or baboy ay 15 din na spaces?  If this is what you meant, then the answer is for a 15-piglets capacity pen, ang feeding troughs ay dapat 14 spaces lang.  Always less ng 1 space to enduce na mag-agawan sila sa pagkain. At pag uminon ang isa ay papalitan nong nawalan ng puesto.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

25

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

kung gusto nio po malessen ang amoy ng babuyan nio nid nio separate ung dumi sa ihi nla. dakutin nio dumi nila and bilad sa initan den lagyan nio ng abo by product xa nung mga dry leaves or wood. tested ko na to and i want to share it. in 3 mos fertilizer na cla same xa ng PIGS program. or kaya rice hull ilagay nio sa dumi pero parang uling na din ung rice hull.

26

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

charcoal absorbes methane gasses and bacteria.

27

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

marami talagang matututunan dito lalo na sa newbie na tulad ko sa pagbababoy,FeedPro ang gamit ko at fermented kung ito ay aking ipakain,hindi maamoy ang dumi ng baboy at napakaganda sinubukan kung magbenta ng 70 days old(2) na fattening at kumilo ng 76 at 74 ang LW,sinundan ko after a few days at 77LW then 79LW,3 months sila noong nov.19 at magbebenta uli ako mamaya at i post ko yong LW nila kung tumaas pa,sa mga gustong sumubok luzon area puwedi niyo ako kontakin with discount at free delivery.

28

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Gud day po sa lhat,  Vetimer you good and sir duckduck too this really right pls for me and to others to Learn get idea thank,sir duckduck me private email pls reply salamat po
                                                       
Ed88

29 (edited by christianarvinhurano Jun 11 2014 06:10:30)

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

brenjo wrote:

marami talagang matututunan dito lalo na sa newbie na tulad ko sa pagbababoy,FeedPro ang gamit ko at fermented kung ito ay aking ipakain,hindi maamoy ang dumi ng baboy at napakaganda sinubukan kung magbenta ng 70 days old(2) na fattening at kumilo ng 76 at 74 ang LW,sinundan ko after a few days at 77LW then 79LW,3 months sila noong nov.19 at magbebenta uli ako mamaya at i post ko yong LW nila kung tumaas pa,sa mga gustong sumubok luzon area puwedi niyo ako kontakin with discount at free delivery.

benjo,

yan bang 70 days na sinasabi mo na bumigat sila ng 76 at 74 kilos are from date of birth?

30

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

christianarvinhurano wrote:

christianarvinhurano,
hindi po bale 105 days from birth po sila.

31

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

pintorjun1 wrote:

Hello, if you want to take the challenge to spend only Php100/head to grow up to 100 kgs in 3-1/2 months, i have organic formulated growth enhancer and you can call me, for more details at 09159542374. Thank you

pintorjun1,
masyado naman yatang mahal yan 100php/head?

32

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

vetimer wrote:

Yan po ang hindi ko masasagot, hanggang design lang po kasi kaya ko. Maganda if pakita mo sa isang engineer or sa carpenter/mason mo para mabigyan po kayo ng estimate sa bill of materials.

If you can provide some external dimensions, I will try to come up with estimated material cost.

33 (edited by duckduck Jul 21 2014 10:59:27)

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

edwinic wrote:
vetimer wrote:

Yan po ang hindi ko masasagot, hanggang design lang po kasi kaya ko. Maganda if pakita mo sa isang engineer or sa carpenter/mason mo para mabigyan po kayo ng estimate sa bill of materials.

If you can provide some external dimensions, I will try to come up with estimated material cost.

Sir Edwinic,

Would appreciate if you can come upwith estimated material cost on my following project:

1. External dimensions for my growing pens project is 110 feet  Lenght x 28 feet Width with partitions every 10 feet.

2.  The growing pens has feeding troughs and concrete floors (half of the area ng of the pens) and dbs area (half of the area of the pens).

3.  3 hollow block walls and footings below the ground and 2 block walls above the ground.

4.  Welded steel posts every 10 feet interval of the concrete footings, and 3 feet welded steel railings above the hollow block walls.

5  Welded steel beams above the steel posts, bamboo roof framings on top of the steel beams and anahaw roofing on the bamboo roof framings.

6.  There are 3 concrete 4 feet wide walkways.  One of the walkways is on the center of the pig housing so that if is raining hard, the worker can still feed the pigs without getting wet.  The other two are on both outside area of the pig housing na covered by the roofing anymore, with outside walls so that the pigs can not jump outside of the pig housing but can freely go outside of their pens to avail of the sunshine or rains outside.

6.  Here is the drawing of my growing pen project: http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/dawing1_zpsfac40d5c.jpg

7.  As requested by Sir Edwinc, this is the floor plan of my growing pens:
http://mboard.pcaarrd.dost.gov.ph/forum … 80#p124180

Thanks a lot,

duckduck

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

34 (edited by edwinic Jul 21 2014 10:30:44)

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

I would be happy to work it out as i am also interested in building my own pen. I might copy your design, or at least, a part of it. Give me a few days to study and prepare the bill of material.

Can u make a floor plan sketch to further explain point #6 re pigs accessing the outdoor and outside walkways for attendants?

35 (edited by duckduck Jul 21 2014 12:46:42)

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

edwinic wrote:

I would be happy to work it out as i am also interested in building my own pen. I might copy your design, or at least, a part of it. Give me a few days to study and prepare the bill of material.

Can u make a floor plan sketch to further explain point #6 re pigs accessing the outdoor and outside walkways for attendants?

Sir edwinic,

I already posted in no. 7 above the link to the floor plan.

I might as well post the link here.  Just left click on the link to see the floor plan:

http://mboard.pcaarrd.dost.gov.ph/forum … 80#p124180

Ito naman ang version ng ginawa kong  dbs P.I.G.S. (profitable indigenous growing system) na gamit ang mga bamboos as poste, beams and roof frames and nipa as roofing.  Ang capacity nito ay 15 biik/baboy.  Ang material cost nito ay umabot ng P22K. 

Ang pagkakaiba nito sa ipapagawa kong bagong P.I.G.S. based on the floor plan/drawing above ay pahaba na na growing pens separated by the 10 feet intervals na welded steel posts and steel railings, with welded steel beams for a total 110 feet lenght x 28 feet width.  Kaya 28 feet ang lapad ay dahil merong 1 concrete 4 feet walkway at the center and 2 dbs 4 feet walkways on the left and right side of the growing pens and 2 growing pens na harapan na ang measurements ay 8 feet width x 10 feet lenght each.  Ang roof frames ay bamboos pa rin at ang roofing ay anahaw leaves na. 

This first P.I.G.S. of mine was built and completed on July 1, 2011 and still standing at present and we never change the dbs area materials after so many successful harvests of fatteners.  Dagdag na lang ng dagdag kami ng IPA sa mga lugar na lumundo na dahil sa kasusungkal ng mga baboy.

http://mboard.pcaarrd.dost.gov.ph/forum … 30#p107530

Ito naman ang pic kung papano magsungkal ang biik/baboy sa DBS area na halos ibaon na ang katawan nila.  Kaya habang nagtatagal ay lumulundo ang DBS area at kelangan dagdag lang ng dagdag.

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/GEDC3901-1_zpse0f1dc05.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

36

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

Kuyang Tony eto yung floorplan mo....
https://farm3.staticflickr.com/2912/14518753650_5c6c7c158f_o.jpgPIG PEN S1 (3) (1) by r_bicar, on Flickr
https://farm3.staticflickr.com/2935/14705436555_8ec2a249eb_o.jpgPIG PEN S1 (4) (1) by r_bicar, on Flickr
Yung revision upon request mo post ko later...

Thanks.

Pag baboy ang pinag uusapan, Magkakasundo tayo jan.....

37 (edited by duckduck Jul 21 2014 12:48:44)

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

alan211 wrote:

Kuyang Tony eto yung floorplan mo....
https://farm3.staticflickr.com/2912/14518753650_5c6c7c158f_o.jpgPIG PEN S1 (3) (1) by r_bicar, on Flickr
https://farm3.staticflickr.com/2935/14705436555_8ec2a249eb_o.jpgPIG PEN S1 (4) (1) by r_bicar, on Flickr
Yung revision upon request mo post ko later...

Thanks.

Alan,

Salamat for the rescue with these new floor plans.  Puedeng paki post lang sa thread na "Baboyang Walang Amoy"?  Thanks uli.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

38

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

ok na mr duck...thanks

39

Re: Backyard Piggery Design (Modular)

alan211 wrote:

Kuyang Tony eto yung floorplan mo....
https://farm3.staticflickr.com/2912/14518753650_5c6c7c158f_o.jpgPIG PEN S1 (3) (1) by r_bicar, on Flickr
https://farm3.staticflickr.com/2935/14705436555_8ec2a249eb_o.jpgPIG PEN S1 (4) (1) by r_bicar, on Flickr
Yung revision upon request mo post ko later...

Thanks.

Sir parang walang pool yang design nyo? Ganun ba talaga saka bakit may divider pa sa dbs at anung purpose nun?