81

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Kuya D,

Good information for disclosing the financials of retailing of pork.  As I have said before, retailing/distribution should be localized in order to avoid the high cost of transportation expenses.

Regarding free ranging of pigs in your area, you may opt to interconnect the existing pig pen (housing) in the free ranging area. Pag malalaki na ang oil palm, maybe after 2-3 years and already fruit bearing, sa lugar na doon ang free ranging. It reminds me of the practice of Iberian farmers in Spain, pigs are on free range area when under growing/finishing stage under oak trees (dehesa). The practice of Iberian farmers could be replicated in your area, instead of fruits of oak trees, fruits of oil palm could be utilized by pigs.

82

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang D,

as of now under construction pa ang aking farrowing pen similar set up nung sayo, finished one and tested with one of my chop suey sow. wala na kami ginamit na heating lamp, yung init lang na nagenerate sa ipa area ay enough to keep the piglets warm though 3 lang biik ng aking inahen. yung crate nabili ko ng 1k dati na gawa. meron pa tatlong di pa nagagawan ng crate.
http://i1199.photobucket.com/albums/aa466/tholitz13/DBS/DSCI1287-1.jpg
gestating pen ko ay size 2mx3m, yung 1mx2m serves as wallowing pool and yung 2mx2m ay DBS mixture of ipa and saw dust. under construction pa ngayon ang gestating ko, so ang mga sows ko ay nasa semi free range pa til now. pwede siguro maka accomodate ng 2 sows per pen otherwise tig iisa pag masikip, pag buntis lang naman dito ilalagay.
http://i1199.photobucket.com/albums/aa466/tholitz13/DBS/DSCI1351.jpg

for free ranging your piggies, sandali lang mawawala kaagad yang mga nakatanim sa lupa mo kaya don't let them range dun sa mga me tanim otherwise mauubos din lahat yan sa kauungkal nila.

83

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

tholitz,

Ano ang past experience mo sa gestating and farrowing in your semi-freerange area?  Balak ko sanang bumili ng trio na native pig (1 barako at 2 gilts) kay Jaime San Jose sa Batangas at pakawalan ko don sa pic nos. 1 and 2 matapos palibutan ng wire fence ang buong area.

Lagyan ko lang ng isang bahay na P.I.G.S. na NIPA roofed pero walang pool sa loob para tulugan at hindi na sila paliguan don.  Painumin at pakainin na lang namin ng commercial feeds with supplement of plant leaves and root crops. Malapit sa poso at koryente ang lugar na yon. Kumukuha lang ako ng data sayo at sa ibang thread kung feasible magalaga ng native pigs sa ganitong paraan sa lugar na yon. 

Expect ko kasi na in 2 more years ay sobrang dami na ang bunga ng Palm Oil trees ko and other root crops and plants.  Balak kong punuin ng intercropping na kamoteng kahoy, kamote, gabi, at iba pa ang bakanteng lote sa pic nos. 1, 2 and 3. 

Pag puno na yon ng mga intercropping na tanim ay matitipid ko na ang malaking gastos (labor and gasoline) sa bushcutting ng mga damo.

Puede kaya dumami ang trio native pigs don without the usual gestating and farrowing facilities?

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

84

kuyang tholitz ano po size yung rebar na gamit nyo sa farrowing crate at ano din po size ng mga tubo ginamit nyo?

85

duckduck wrote:

kuyang,

actually more than a year pa lang yung babuyan ko and naka isang parity pa lang inahen na naka semi free range, medyo di maganda ang outcome dahil yung isa anim lang biik and yung pangalawa ay tatlo lang, consolation na lang ay malalaki talaga biik dahil kunti lang.
regarding sa plano mo na native growing, tama yung kahit nasa range sila kailangan pa din ng silungan lalo na kung continuous ulan sa atin.
usually pag malalaki na yung forage plants, less na ang damo na natubo sa ilalim nito kaya di mo na kailangan ng grass cutter.
ang natives ay di naman kailangan ng atensyon during their farrowing time..they can manage by themselves and makita mo na lang me hila hila nang mga biik.

86

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

ronski wrote:

kuyang tholitz ano po size yung rebar na gamit nyo sa farrowing crate at ano din po size ng mga tubo ginamit nyo?

kuyang ronski,

yung farrowing crate ay gamit na yun at nabili ko lang dun sa binilhan ko ng biik, nung kinabit namin sa kulungan ay mababa sya at sabit yung likod ng inahen. kaya pinaalis ko yung isang harang. sa natitira na tatlo papagawa na lang ako. bale 16mm yung bakal and 1/2" yung tubo na ginamit dun.

87

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

tholitz13 wrote:
barnut wrote:
tholitz13 wrote:
Wrangler wrote:

pero kuyang yung ilaw na ginagamit katulad din ba sa ilaw na ginagamit natin sa bahay?

yup, 11W, 12V nga lang....if you want to use the normal 220V then you need an inverter which can be use also for some appliances but you have to take into consideration yung size ng panel at saka battery capacity.

tholits, try mo mag gamit ng LED 3.4watts mas matipid, may nabili ako sa divisoria nasa 150 each pag wholesale min of 6pc maliwanag din gamit lang ako inverter kc 220v na sya. yan kc gamit ko pag brown out.

noted kuyang,

di ko lang napupuntahan pa ang shop dito na nagtitinda ng mga LED lamps meron naman dito 12V na LED lamps kaya yun na muna. one of these days mapapasyalan ko din yun at makabili ng ilaw at ibang accessories sa solar system.
kumusta na mga tanim mo, magaganda na ba?
kumuha din si kuyang D sa akin ng tig 50 each ng mga seedlings ko.
pahabol pa nga nya yung mulberry...

salamat nga pala, naitanim ko na so far buhay naman lahat. marami palang talinum dito sa lugar ko, di ko alam na maganda ring alternative feeds yun. cguro marami pa ditong mga damo na pwedeng pakain sa baboy. di ko lang alam pangalan.

The Winner says, "It may be difficult but it is possible";  the
        Loser says, "It may be possible but it is too difficult."

88

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Talinum ay mabilis dumami at kasama ito sa succulent plant. Maganda ipakain ito sa sow na malapit ng umanak dahil meron laxative effect pagka kinain ng baboy. Also, mababa lang ang fiber content nito kaya puwede sa mga piglets.

89

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

barnut wrote:
tholitz13 wrote:
barnut wrote:
tholitz13 wrote:

yup, 11W, 12V nga lang....if you want to use the normal 220V then you need an inverter which can be use also for some appliances but you have to take into consideration yung size ng panel at saka battery capacity.

tholits, try mo mag gamit ng LED 3.4watts mas matipid, may nabili ako sa divisoria nasa 150 each pag wholesale min of 6pc maliwanag din gamit lang ako inverter kc 220v na sya. yan kc gamit ko pag brown out.

noted kuyang,

di ko lang napupuntahan pa ang shop dito na nagtitinda ng mga LED lamps meron naman dito 12V na LED lamps kaya yun na muna. one of these days mapapasyalan ko din yun at makabili ng ilaw at ibang accessories sa solar system.
kumusta na mga tanim mo, magaganda na ba?
kumuha din si kuyang D sa akin ng tig 50 each ng mga seedlings ko.
pahabol pa nga nya yung mulberry...

salamat nga pala, naitanim ko na so far buhay naman lahat. marami palang talinum dito sa lugar ko, di ko alam na maganda ring alternative feeds yun. cguro marami pa ditong mga damo na pwedeng pakain sa baboy. di ko lang alam pangalan.

madami na din ako talinum sa farm, pinapakain na nga sa piglets...yup, mababa nga fiber content nya as kuyang wintuha mentioned. masarap din sa sinigang ihalo yung talbos...

90

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Ang isa pa na halaman na gustong gusto ng baboy ay "Alugbati". Sa pagluluto ng pakbet  o sinigang inihahalo ito. Again, mabilis din ito paramihin

91

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

These are the pics of alugbati and talinum:

1. Alugbati:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/alugbati-vine.jpg

2. Talinum:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/talinum.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

92

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

sir duckduck pwd po paemail ung mga desing ng farrowing at gestating neo or my compilation kau jan ng mga pics... maraming salamat po.... jtyambao@yahoo.com

93

jtyambao wrote:

sir duckduck pwd po paemail ung mga desing ng farrowing at gestating neo or my compilation kau jan ng mga pics... maraming salamat po.... jtyambao@yahoo.com

Sir jtyambao,

Madali lang po mag copy and paste ng mga pics dito sa forum.  For example sa Page 1, post no. 23 nitong thread ay nandon lahat ng drawings ni Sir kenbats that you are requesting. Gawin nyo po ay right click bawat pic and copy/paste sa desktop nyo.  That goes for all the pics in this thread that you want to copy to your computer.  Pati mga discussions dito sa thread and that goes for all useful information in the entire forum, ay puede nyo po copy/paste to your computer for future reference.

Ako ganon din ang ginagawa ko.  Pati yong thread na binuksan ni Sir Andry Lim ay halos copy/paste ko na rin lahat.  Ang daming magagandang information sa thread na yon.

Sana po nakatulong.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

94

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang duck,ask lang po ang alugbati po ba ok pakain sa inahin na buntis kasi balak ko mag tanim para po pang dagdag food sa pig mahal n kasi masyado ang feeds.
thanks

95

Hi to All,

Pwede bang sumali dito? Happy new year to all!

96 (edited by duckduck Jan 10 2012 09:52:21)

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kenbats wrote:

Hi to All,

Pwede bang sumali dito? Happy new year to all!

Kenneth,

Bakit ngayon ka lang naligaw dito?

Pasencia na at hindi kita makontak nong December kaya posted ko na lang dito ang mga drawings mo sa gestating/farrowing pens. 

Pag nakita mo na ang detalye ng anti-crush bar ay paki post na lang dito.

Thanks,
Tony

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

97

3m`s wrote:

kuyang duck,ask lang po ang alugbati po ba ok pakain sa inahin na buntis kasi balak ko mag tanim para po pang dagdag food sa pig mahal n kasi masyado ang feeds.
thanks

Sir 3m's, ang talinum sinabi na ni Sir Wintuha na puede sa sow and also sa piglets.  Sina Sir tholitz naman ay nagferment na ng talinum.  Ang liquid daw ay hinahalo sa inumin at ang solids ng fermentation ay hinahalo sa feeds.

Ito naman ang information ng alugbati based sa internet. NOTE: Per Sir Wintuha, kinakain ito ng tao. Kaya I honestly think na puede rin ito sa baboy.

The vegetable is also known as Malabar Spinach, Ceylon Spinach or the red vine. The stem is purplish (shade of red) and succulent with heart shape leaves. It bears green to dark red fruits (please correct if this is not so).

The young leaves are popular vegetable stuff. It can be boiled (boil until cooked and discard water), used as salad ingredient and other dishes like ginisa.
The plant is also popular for its medicinal properties. Growing it in your garden is a nice idea.
1)  A good source of essential nutrients. Excellent source of calcium, iron, Vitamin A, Vitamin C, Vitamin B and iron.
2) Contain saponins that act as phytochemicals. Fights cancer and other diseases.
3) Roots are employed as rubefacient – a medicine for external application that produces redness of the skin.
4) Roots are also used as poultice to reduce local swellings.
5) The sap can be applied to acne areas to eliminate irritation.
6) The sap has a softening or soothing effect especially to the skin.
7) A diuretic.
8) A mild laxative.
9) Pulped leaves are applied to boils, ulcers and abscesses.
10) Leaf juice with sugar is effective for inflammation of the nose and throat with increased production of mucus. Also used to treat gonorrhea and balanitis
11) Leaf juice with butter has a soothing effect on burns and scalds.
12) Stem and leaf extract can cure habitual headache.
13) Fruits maybe used as cheeks and lips make-up and dye.
14) Good source of fibers.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

98

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

By using alugbati as one of the plant raw materials for FPJ, you can easily extract the vitamins, enzymes and organic chemicals that have curable effect as described in details by Kuya D.

Ang fruit ng alugbati is like paminta. Patutuyuin lang to reduce the moisture content to at least 8-10%. Soak it in water with solution of coco vinegar, FPJ and OHN over night then isasabug (sowing) lang sa field the next morning.

99

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

wintuha wrote:

Sir Ross, is your description above the procedure sa pagtanim ng alugbati?

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

100

kuyang D at kuyang W,
thanks sa info mag tanim po ako ng alugbati ng marami kasi mayroon ako piro pang house konsumo lang at malungay,ok po para ma less ang expense sa feeds at nag gamit narin ako ng lift over food mix with feeds para sa fattening na kakatayin to produce more profit,nag lay out na ako ng 2 pin ng DBS for trial sana mag click.
thanks ulit sa full advise from you guys....

101

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga Kuyang and Ateng,

Intermission po muna tayo, total Happy New Year din lang....

Ito po ang kuento at pagkakaiba ng isang Office Girl (Ms. Employee) at ni Inday (Katulong):

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/image001.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

102

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Hi Everyone,

I just would like to ask kung ano ang average weight ng baboy after 4 months if it is fed using own mixing of feeds supplemented with forages as discussed in this thread. Based on your experiences po...

Your valuable input will shed more light on my plans on shifting from commercial feeds to self-mixed feeds.

Thank you.

Van

103

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang D,
tama po kayo kasi mga sa maraming kasabihan walang umasinso sa pang employee,laging employer ang panalo,kaya tayo habang bata pa mag alaga na ng baboy...

104

agree ako jan sa sa pag aalaga ng baboy sir 3ms,
kaya kung pwde kung sino ung may alam about permits paki post muna

just want to ask about the permits and other papers needed to start a piggery, or steps on this matter.

1. ano mga papers dapat ihanda for this?
2. mga ilang araw ba yung pagkuha ng mga perimts/ecc/ and others?
3. magkano naman kaya ang dapat ihanda about permits and others?

plano ko kasi pagnakauwi, kaso limited lang oras ko sa bakasyon,

hope u can post matters about this, lalo na yung nakaexperience na sa pagkuha,
sori di ko na binasa ang thread baka may nagpost na, kunti lang kc oras to browse.

thank you

105

smile

duckduck wrote:
kenbats wrote:

Hi to All,

Pwede bang sumali dito? Happy new year to all!

Kenneth,

Bakit ngayon ka lang naligaw dito?

Pasencia na at hindi kita makontak nong December kaya posted ko na lang dito ang mga drawings mo sa gestating/farrowing pens. 

Pag nakita mo na ang detalye ng anti-crush bar ay paki post na lang dito.

Thanks,
Tony

Kakabalik lang sa bakasyon kasi Sir Tony....

Nabigla nga ako at nakapost na yong mga drawings, okay lang - sana makatulong sa mga kasamahan natin. Paalala lang po na yong mga na post na drawings ay "for references only" - patuloy pa rin po etong ini-improve.

106

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

duckduck wrote:
wintuha wrote:

  Ang fruit ng alugbati is like paminta. Patutuyuin lang to reduce the moisture content to at least 8-10%. Soak it in water with solution of coco vinegar, FPJ and OHN over night then isasabug (sowing) lang sa field the next morning.

Sir Ross, is your description above the procedure sa pagtanim ng alugbati?

Yup, mas maganda sa seed ang pagtatanim ng alugbati. Ang iba sa cuttings lang. I just follow the Foukoka (Nature Farming) seed ball practice. Mas mataas ang germination/survival rate kung naka bola (mixture of top soil, germinating solution as per above, palagkit na lupa as binder).

107

Sir Wintuhan at Kuyang D,

Sa paggamit ba ng mga damo at gulay as alternative feeds, hindi po ba nacompromise yong carcass (quality, consistency....)?

Will still be a value added if applied sa commercial pig production?

108

wagner72 wrote:

Wagner,

Sa thread na "Hog Raisers in Visayas (Negros, Cebu, Bohol, etc)", nasagot na kayo ni Sir Earthcrisis ng detalye ng pagapply ng permits sa pagbababoyan.  Commercial piggery na pangmalakihan ba kaagad ang balak nyong ipatayo?  Kasi sa backyard piggery ay hindi pa kelangan ang permit sa pagkakaalam ko, correct me if I am wrong.

In my case ay backyard lang po ako and I did not apply for any municipal or barangay permit. 

However, I made sure that I put up my farm in an agricultural zoned property far from neighbors who might complain of the bad odors of a piggery.  I also made sure that I own the property to ensure na hindi ako paalisin ng owner pag umasenso na ang piggery ko.  These are the two basic requirements in startng a piggery that I read from a book by an experienced businessman. 

Additionally I conducted research about the Baboyang Walang Amoy to lessen or eliminate bad odors of a piggery before I finally decided to start a small backyard piggery for myself.  Nakita ko kasi mismo ang malaking gastos at hirap na dinanas ng elder brother ko sa mga complaints ng bad odors (kahit agricultural zoned pa ang property nia) at sa mga complaints kung saan palalabasin ang mga ipot ng poultry at excrements ng mga baboy).

My elder brother started in his 5 hectare agricultural property, a small backyard piggery in 1968, also without a permit, and only after more than 20 years later did they apply for one when his operations has expanded and was required a permit by the municipal government.

However, when that time came that they were required to have a permit, may empleado na lang na inutusan ang kuya ko na lakarin ang permit.  By that time karamihan sa "leg work" ay inuutos na lang nia.  Busy na kasi sia sa ibang mas importanteng transaksiones.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

109

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kenbats wrote:

Sir Wintuhan at Kuyang D,

Sa paggamit ba ng mga damo at gulay as alternative feeds, hindi po ba nacompromise yong carcass (quality, consistency....)?

Will still be a value added if applied sa commercial pig production?

Sir kenbats,

I am still in the preparatory stage in the plant alternative feeds (planting and feeding plants as merienda "ONLY" in addition to the commercial feeds).

Tholitz and his dad also attended the seminar of Andry Lim & company a year ago and since then was still planting plants in his property and is just starting to implement what they learned from the seminar.  Since they already have all the mixtures and percentages of the alternative plant feeds from the seminar, I hope they already have or shall later gain the experience in preparing the right mix to equal that of the commercial feeds.  Tholitz is now reporting that the carcass of their pigs are of good quality compared to the ones being sold by others in the slaughterhouse (palengke).

As far as I know Sir Wintuha is already mixing his own alternate plant feeds and although I sent someone to his farm for OJT, we have not actually started preparing alternative feeds inside the drums for fermentation.

Even now there is no FEEDSPRO in Sorsogon City and I am still negotiating with the FeedsPro TRO to deliver to Sorsogon City their products so that I can also start fermenting their feeds.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

110

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

wintuha wrote:
duckduck wrote:
wintuha wrote:

  Ang fruit ng alugbati is like paminta. Patutuyuin lang to reduce the moisture content to at least 8-10%. Soak it in water with solution of coco vinegar, FPJ and OHN over night then isasabug (sowing) lang sa field the next morning.

Sir Ross, is your description above the procedure sa pagtanim ng alugbati?

Yup, mas maganda sa seed ang pagtatanim ng alugbati. Ang iba sa cuttings lang. I just follow the Foukoka (Nature Farming) seed ball practice. Mas mataas ang germination/survival rate kung naka bola (mixture of top soil, germinating solution as per above, palagkit na lupa as binder).

Thanks, Sir Ross.  If you have seedlings of the alugbati, can you please sell some to me? I'll email you the shipping address.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

111

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kenbats wrote:

smile

duckduck wrote:
kenbats wrote:

Hi to All,

Pwede bang sumali dito? Happy new year to all!

Kenneth,

Bakit ngayon ka lang naligaw dito?

Pasencia na at hindi kita makontak nong December kaya posted ko na lang dito ang mga drawings mo sa gestating/farrowing pens. 

Pag nakita mo na ang detalye ng anti-crush bar ay paki post na lang dito.

Thanks,
Tony

Kakabalik lang sa bakasyon kasi Sir Tony....

Nabigla nga ako at nakapost na yong mga drawings, okay lang - sana makatulong sa mga kasamahan natin. Paalala lang po na yong mga na post na drawings ay "for references only" - patuloy pa rin po etong ini-improve.

Nasa point na kasi ako ng pagpost ng mga drawings kaya ng hindi kita makontak I just took the liberty to post them.  Anyway, I reasoned out na dahil ginamit mo na yong drawings sa sarili mong setup at pinagkagastusan mo na rin at nakita ko naman sa pics na OK naman at sabi mo ay walang mortality ang piglets kaya I decided to post.  Even me, I am following the drawings.

Sorry uli.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

112

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

3m`s wrote:

kuyang D,
tama po kayo kasi mga sa maraming kasabihan walang umasinso sa pang employee,laging employer ang panalo,kaya tayo habang bata pa mag alaga na ng baboy...

3m's,

Tama po kayo.  Ang dami kong alam na ka-forum natin na mataas na ang narating sa pagempleo pero pinili nila ang tumigil para magtayo ng sariling negosyo.  Alam mo ba kung anong klaseng negosyo?

Tama ka uli sa iniisip mo .... ang pagbababoyan ... Yong iba nagsisimula pa lang sa backyard.  Yong marami...malalaki na matapos magsimula sa backyard.  he he he. 

Tulad ko, buong buhay ko ay empleado pero ngayon pa lang nagsisimula na mag backyard piggery.  At kahit na sinusumpong na ng sakit sa puso, bilin ko sa anak ko, ipagpatuloy pa rin ang sinumulan ko na.  he he he.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

113

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

ivanjudebusgano wrote:

Hi Everyone,

I just would like to ask kung ano ang average weight ng baboy after 4 months if it is fed using own mixing of feeds supplemented with forages as discussed in this thread. Based on your experiences po...

Your valuable input will shed more light on my plans on shifting from commercial feeds to self-mixed feeds.

Thank you.

Van

@ivanjudebusgano,

I think there are very few people who can answer your question that really have the successful experience in mixing their own plant feeds such as Andry Lim & company, Sir Wintuha, etc.  May sariling thread din sila dito sa forum regarding organic farming.

Perhaps these people can contribute their knowledge also?

In my case, I am just currently supplementing the commercial feeds with plants and am just starting to actually ferment some plants...also to supplement the commercial feeds.  Matagal pa siguro para makagraduate kami sa alternative feeds...and that is my goal.

Meantime, based on my experience, even if you give to your hogs commercial feeds, hindi ka pa rin malulugi kung ikaw na mismo ang magkakatay at magbebenta ng mga baboy mo ng retail.  Nasubukan na po namin ang sestemang ito at OK naman po ang resulta.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

114

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga Kuyang and Ateng,

I will post here the topic of BioSecurity since this is very important kahit backyard lang tayo at lalo na duon sa meron ng mga mamahaling breeding stock.  Naalala ko tuloy yong sinabi ng kaibigan ko na marami daw nagalit or nagtampo sa kanya na prospective customers at mga kaibigan dahil sa implementation nia ng biosecurity procedures.  Pero I agree with him at talagang hindi ko siya masisi dahil malaking halaga ang mawawala sa kanya pag hindi siya nagingat.

I shall post here some insights into BIOSECURITY that a very knowledgeable practitioner gave to me and hope it can help others. NOTE: The following is applicable to both poultry and swine raisers:

BIOSECURITY (Definition): it is simply the process or system to ensure that lahat ng mga bacteria o virus ay hindi maka-punta sa inyong mga  alaga para sila ay mapinsala.  Anything na maaring magdala ng sakit, mga activities na makakapagdulot ng stress and kung ano pa na ang mga alaga ninyo ay mamatay o mawawala is condidered a biosecurity threat.

     Mula sa Vaccination program, medication program, people movement control, proofing methods of rats, bird, wild animals & pest control, etc.

     I assume that ang vaccination and medication program ninyo is already in place so I will focus my discussion doon sa iba.

     Bird proofed ba ang poultry shed ninyo ? Meaning, hindi ba nakakapasok ang mga ibon sa building ? Hindi ba nila nagagawang tumuka o uminom sa feeders and waterers ng mga alaga ninyo ? Remember, ang immunity ng mga wild birds, even ang mga native na manok ay mas malakas kesa sa mga nakakulong.

    Rat proofed ba ang poultry ninyo ? Mahirap pero kayang gawin by installing rat protectors and also doing regular rat poisoning (ingatan lang na makatakbo sa mga alaga ang mga daga na malapit ng mamatay sa lason) . Rats are the main carriers of Salmonella and pwede rin ng ibang virus o bacteria.

    Ganoon din sa ibang wild animals like musang, snakes, even sa mga alaga ninyong aso o pusa.

    Pests control ---- lalo na mga insecto, can also be carriers of diseases.

    and MOST IMPORTANT ---- mga tao

    1. Taga-pag alaga ninyo  ---- dapat stay-in and makakalabas lamang kung nabenta na or nakapagcomply sa ibang procedures.. read on.
    2. Ikaw ---- dapat bago pumasok sa farm , maligo at magpalit ng damit including foot wear bago  pumasok
    3. Technical people --- mga veterinario o technical people na bumibisita ---- noon, laking tuwa ng mga owners pag may bisita na doktor, ngayon di na po uso yan, papasukin nyo lang kung may problema at kung wala, sa labas na lang kayo mag-usap. Dalhin na lang ang record sa farm office na dapat ay sa labas ng farm clean area. Kung kailangang makita ang alaga, maligo rin at magpalit ng damit and footwear.
   4. Delivery people ---- siguraduhin din na maligo at magpalit ng damit at tsinelas. Maglagay ng sprayer na pressurized sa entrance ng farm para malinis ang sasakyan and ma disinfect.

   Lastly, alagaan ng mabuti ang mga workers....... sila ang pwedeng magpayaman o magpabagsak sa iyo. Di baleng magbigay ng komisyon sa kanila pag maganda ang performance versus KONSUMISYON pag may problema.

   About footbaths, marami pa rin gumagamit dian. Pero mas epektibo ang gripo na merong kang patungan ng paa, para maghugas bago pumasok ng building, tipid ka pa, walang disinfectant na mahal, sabong panlaba lang ok na. Maglagay rin ng spare na tsinelas para ito lang ang gamitin sa loob ng housing.

Based on the above, I can understand why my friend was strictly practicing Bio-security procedures.  Pag napeste nga naman ang mga alaga nia sa konting pagpapabaya, ay napalaking puhunan at pagod ang mawawala.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

115

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

@ sir Duckduck

Thank you for your reply. I guess hindi nga ganoon kadali ang magmix ng sariling feeds. It will take a lot of time plus trial and errors. Good to know that we have sir Andry and Sir Wintuha here who can give us guidance regarding our concerns especially the ones regarding our swine industry. If you dont mind, can i ask for the specific name of the thread that you were saying?

As of now, I am also supplementing the commercial feeds with locally available plants and fruits as well as organic concoctions (FPJ, FFJ, IMO, OHN, CALHPOS, FAA, etc.) for fermentation. Here in our area, my small FARM is being used as a DEMO FARM by FeedPro using the KNF principles (DBS, Feed fermentation, etc.). Okay ang paglaki ng baboy but it is highly affected by the shifts and downturns of our market. Thus, there is a big need for us to do something about this.

I've already started planting a lot of snacking greens (alugbati, kangkong, etc.) and fermenting greens/legumes (madre de cacao, rensonii, flamengia) within our area to help lessen my feed cost.

With regards to sariling pagkakatay at pagreretail naman po, ganyan din po ang ginawa ko last december dahil masyadong mura ang presyo ng liveweight dito sa amin. Nasa 72 - 75 pesos lang. I agree with what you said na hindi ka malulugi and okay ang sistemang ito. Kumatay kami ng 8 heads last december at pinautang namin sa offices and neighbors. How much more if my sarili kang pwesto sa palengke noh? hehe. I just find it a lil' bit stressful on our part na kami pa ang kakatay at magbebenta ng retail kasi hindi pa kami experienced sa ganon. I am just hoping for an improvement nextime around.

Thanks.

Van

116 (edited by duckduck Jan 11 2012 11:24:49)

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

@Van,

Wow!!! .... 8 heads last December.  Don't feel stressed.  Be happy dahil hindi lang kayo nalugi pero kumita pa.

Don't feel stressed again dahil pag nakolekta nyo lahat ng pautang ay sure na ang kita nyo.  he he he.

Don't feel stressed again dahil nakapagsimula na kayo sa customers ng 8 heads ninyo.  Pag naalagaan nyo sila ay magkakaroon ka na ng customer base.  Lalo na sana if my sarili ka ng puesto sa palengke? 

Don't forget na ang sariling pagkatay or pagpakatay is part of the marketing effort.  Kahit may sarili ka ng puesto sa palengke, pag hindi ka nagpakatay, wala kang maibebenta sa puesto mo.  he he he.

At kagaya ng advise sa akin sa "Biosecurity", ay alagaan ding mabuti ang mga workers....... sila ang pwedeng magpayaman o magpabagsak sa iyo.  Di baleng magbigay ng komisyon sa kanila pag maganda ang performance nila at ng mga alaga at ng marketing operations versus KONSUMISYON pag may problema.   he he he.

Tungkol sa thread ni Andry Lim...makikita mo ito sa Section ng forum na "Organic Farming", authored by him.

Talagang gugugol tayo ng maraming importanteng oras natin kasama na ang pera sa paghahanap ng mahahalagang impormasyon para mapaunlad ang hanapbuhay na napili natin tulad ng pagtatanim, breeders, housing, seminars, etc. 

Magpasalamat tayo at marami ng impormasyon na LIBRE dito sa forum lalo na sa thread ni Sir Conrado na "Tarlac Hog Raisers Forum" at mga threads ng iba pang experienced contributors na hindi nagsawa sa pagtulong sa kapwa.  Magsipag ka lang magbasa and you will surely gain knowledge.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

117

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

@DuckDuck

Thank you for your compliments. Nastress lang kami last December kasi hindi pa namin masyadong kabisado ang Dos and Donts sa pagreretail ng karneng baboy and due to the fact na I am working full time sa bank as Systems Administrator. Pero we are hoping na soon enough, may improvement na doon. Hehehe.

So far so good naman ang relationship ko with my brothers (i treat our workers as my brothers). I agree with your statement na sila ang makakapagpaasenso o makakapagbagsak sa ating negosyo. Thus, we should treat them well.

Naisipin ko rin na kapag makakatipid tayo sa feeds ay pwede nating mabenta sa mas mababang presyo kumpara sa local wetmarket ang ating mga karne. Sa ganoong paraan, madadagdagan ang customer base natin. At lalo na siguro kung malalaman nila na organiko at natural ang produkto natin.

smile Thanks

Van

118

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

@Van,

Wag mo babaan agad ang existing retail market price ng karne.  Magkakaroon ng price war at ang siguradong mababawasan ang kita ay ang nagbebenta ng karne.  If you are just starting to sell at retail, puede mo babaan pero konting konti lang. Try to give commision to your workers as part of the price cut para sipagin sila sa pagbenta and pay out the commission ONLY when all sales were collected para sipagin din sila na magkolekta ng pautang.

If you save on feed costs dahil sa plants in the future, that is your cost savings and eventually additional profits. But again, avoid if possible reducing the prevailing retail market price unless VERY necessary.  Maraming ka-negosyante mo ang magagalit sayo. he he he.

Strive to sell to more customers based on the good quality of your products and incentive such as free delivery but not on the reduced retail market prices.  Even with additional expenses, you can not exhaust the difference between the live weight price of say P80/kilo and the retail market price of say P160/kilo.

BTW, off topic na ito...

Marami akong halaman na malalaki na at ang gaganda na ng pagtubo pero pinatay ng mga langgam na pula.   sad    Would appreciate advise on how to solve this problem of langgam na pula.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

119

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

ivanjudebusgano wrote:

Hi Everyone,

I just would like to ask kung ano ang average weight ng baboy after 4 months if it is fed using own mixing of feeds supplemented with forages as discussed in this thread. Based on your experiences po...

Your valuable input will shed more light on my plans on shifting from commercial feeds to self-mixed feeds.

Thank you.

Van

kuyang ivan,

usually medyo matagal ng konti ang duration ng pag aalaga to attain the same market weight ng baboy kung ang gamit mo ay self mix feeds o yung IMO feeds, di naman kasi natin monitored ang nutritional content ng IMO feeds na ginagawa natin by ratio and proportions lang unlike sa commercial feeds dumaan pa sa testing and laboratory analysis mga composition ng feeds nila. although mas maganda texture at lasa ng baboy fed with IMO feeds i think it is not advisable for commercial purpose siguro dahil masyado matrabaho doing the feed preparation, you need more space to plant your forage greens aside from sourcing your other feed ingredients.

120

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

duckduck wrote:

@Van,

Wag mo babaan agad ang existing retail market price ng karne.  Magkakaroon ng price war at ang siguradong mababawasan ang kita ay ang nagbebenta ng karne.  If you are just starting to sell at retail, puede mo babaan pero konting konti lang. Try to give commision to your workers as part of the price cut para sipagin sila sa pagbenta and pay out the commission ONLY when all sales were collected para sipagin din sila na magkolekta ng pautang.

If you save on feed costs dahil sa plants in the future, that is your cost savings and eventually additional profits. But again, avoid if possible reducing the prevailing retail market price unless VERY necessary.  Maraming ka-negosyante mo ang magagalit sayo. he he he.

Strive to sell to more customers based on the good quality of your products and incentive such as free delivery but not on the reduced retail market prices.  Even with additional expenses, you can not exhaust the difference between the live weight price of say P80/kilo and the retail market price of say P160/kilo.

BTW, off topic na ito...

Marami akong halaman na malalaki na at ang gaganda na ng pagtubo pero pinatay ng mga langgam na pula.   sad    Would appreciate advise on how to solve this problem of langgam na pula.

have to agree on you with this one kuyang d. we must protect the price of our products especially kung mas mataas ang quality nito in comparison sa wet market. actually ang gawa ko naman dito ay 180 per kilo pag utang ang laman at 160 naman pag cash. may kasama narin ito dugo na libre kung request ng customer which is about half of the customers. free delivery din. mas marami parin ang utang pero lahat naman nag babayad in the first week or two. madami din compliments ng mga customers dahil manipis ang taba, malinamnam at malambot ang karne ng binebenta namin. im still trying to figure out kung dahil ba sa commercial feeds na gamit or dahil naka dbs ang mga baboy.