401

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang ivan,

kumusta na mga biik mo? galing din ang set-up ng farrowing pen mo kuyang. ingat lang at baka mahigaan ng sow ang biik na hindi nya maramdaman.

Nagkacover pa ba kayo sa gilid ng walls pagkagabi?

402

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang d,

napansin ko na may sabitan ng ilaw, pangbrooder po ba yan? sa tingin ko mas mainam kung ilagay ang autofeeder sa kabilang side para hindi matalsikan ng tubig galing sa drinker.

sa steel flooring, pacheck mo kung hindi maipit ang biik sa malaking space. mas mabuti cguro na palagyan mo round bar sa ilalim at ipawelding mo para mamaintain ang distance ng mga bars. :-)

ang source ba ng tubig mo sa drinker ay ang bucket na pink na nasa taas?

403

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang D, CONGRATS! ! ! "sticky" na ang thread mo.....

404

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Kenneth,

Nilagay nila yong ilaw nong pinanganganganak ang mga biik.  Pero mainit na raw ang DBS materials.  Lumang gamit yon sa brooder ng mga sisiw noong araw. 

Binangit ko na yong puesto ng auto feeder at masikip na nga pag umiinom ang mga biik.  Hindi lang siguro nagkakapanahon pang ilipat sa kabila.

Papalitan ko ang steel matting ng galing don sa gamit ng gilts sa 2 pang crates na hindi pa na AI.  May humiram ng welding namin at hindi pa sinosoli.

Yes, yong bucket na pink na sana taas ang dedicated na source ng tubig sa auto drinkers ng mga biik.  Nagpakabit ako ng hose sa poso at mano-mano ang paglagay ng tubig sa plastic container para hindi aksayado sa tubig ng poso.  Mapapansin na later ay yon din ang magsusuply ng tubig sa mga biik sa kabilang DBS farrowing crate pag meron ng mga biik doon.  Ang inahin ay may sariling source na autofeeder din na galing naman sa barangay water source from our concrete water tank.

Very convenient ang plastic water container para pag may mga vitamins or mga gamot na hinahalo sa tubig ay nilalagay na lang namin sa container tulad ng apralyt, etc.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

405

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kenbats wrote:

kuyang D, CONGRATS! ! ! "sticky" na ang thread mo.....

Oo nga ano?  Nakuha yata sa mga pics, he he he. 

Lalo na yong mga pics ni Van tungkol sa FFJ, FPJ, IMO, etc.....very informative talaga.  Binabalik balikan ko noon, until I decided to "copy and paste" na lang sa computer ko.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

406

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

ganda naman ng set up mo kuyang d sa farrowing pen. kuyang ivan ganda din po ng sa inyo. tanong ko lang po kung kumusta naman po ang crushing incident nyo kung meron?

407

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Sharing this pic sent to me by Sir Kenbats that I plan to have my welder fabricate at gamitin namin sa mga biik kung meron man that my second inahin shall deliver soon.  Sir Kenbats said for reference only dahil kaguguhit pa lang nia, pero ipa-fabricate ko na dahil mura lang naman ang magagastos.

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/TIREFEEDERDESIGNFORPIGLETS.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

408

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kenbats wrote:

kuyang d, sa tingin ko mas mainam kung ilagay ang autofeeder sa kabilang side para hindi matalsikan ng tubig galing sa drinker.

Per your suggestion pinalipat ko na ang auto feeder nila.  Here is the pic at DAY 20.  Mukhang nakarecover na rin pati ang nanay at parang masasaya na rin ang mga biik sa buhay nila na ...kain sa autofeeder, suso ng gatas sa ina, inom ng inom sa auto drinkers, tulog tulog sa DBS at sungkal sungkal sa DBS area...he he he.

Pag walay sa nanay at nilipat na ang nanay sa sarili niang DBS pen, ay ililipat namin ang auto feeder sa dating kinalalagyan ng ina.  Sa ganon ay maluwag na ang galawan ng mga biik.  BTW, Kenneth, yon palang parang gap sa steel matting ay shadow lang pala.  Walang gap na puedeng mahulog ang paa ng biik.

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04281.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

409

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

ronski wrote:
duckduck wrote:
3m`s wrote:

kuyang d,
thanks diin sa iyo,nag kakatay ako ng pig pag ang byahiro ko naka bili kasi maliliin pa ang piggy ko kaya buying muna ng para katayin ok diin kasi may kita ka parin balak kong sundin ang payo mo para pag matoloy halos 3x a week ako mag pa katay sa palingki kasi naka kuha ako ng meat stall sa bayan namin,then dahan dahan lang ang pag papakatay kasi kong weekdays matumal ang bintahan kaya wed.,sat at sunday lang ako nag papakatay ng pigs

Sir 3m's,

Based on my back reading sa Tarlac Hog Raisers forum, ay nabangit doon na ang profit at harvest time ng pig during the 3 month period ay minimum P3,000 depende sa klase ng baboy na palakihin and feed convertion.  Sa ganitong net profit per head ay talagang maganda raw talagang pagkakitaan ng pera ang pagalaga ng baboy.

Naranasan ko na nitong first grow ko ng 15 piglets na hindi naman ako nalulugi sa kinakatay naming mga baboy.  Basta sariling katay at ibenta ng retail ay walang kalugi lugi.

Ito naman ang computation ko pag bumili ako sa mga backyard raisers ng baboy.  Remember na sa panahon ngayon, kahit na yong may mga conventional pens ay halos parepareho na ang klase ng baboy na inaalagaan ng lahat:

1. Halimbawang binili ko ng P80/kilo liveweight and 100 kilo na baboy....total cost is P8,000.

2. Pag kinatay ay 92 kilos na lang dahil ang ulo, dugo at laman loob ay naiiwan na sa farm at pagkain na sa kitchen.

3. Ang bayad sa tagakatay at taga tadtad ay P200 per head.  Overhead expense say another P200.

4. Ang retail price ng 92 kilos sa P150 per kilo ay P13,800.

5. Therefore, P13,800 retail sales minus cost of P8,000 minus expenses of P400 = P5,400 net profit.

6. I did not consider the feeds that I'll give to the pig dahil habang ginagastusan ko ang feeds ay lumalaki naman ang baboy kaya compensated expense yon for 1 or 2 weeks na inaalagaan ko ang baboy para matiyak na healthy at malinis bago katayin.

Therefore, if one has the pig housing already, puede na rin mamili ng paisa isang baboy sa backyard raisers para katayin at tutubo pa rin.  As I've said already, ang mga baboy nowadays ay halos parepareho na ang lahi at ito ang mga baboy na binebenta ngayon sa lahat ng palengke.

Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ng pamangkin ko na may puesto ng meat shop sa palengke.  Ang sabi nia...napakasimple lang daw ng negosyo na mamili ng baboy, katayin sa slaughterhouse at ibenta sa palengke.  Magkatay lang daw kahit isang baboy per day for 1 week ay sobra sobra ng pambayad sa lahat ng gastos nila including space rent, salaries ng tindera for 1 month ang profit.  Additional pa raw ang 1 cow na pinakakatay nia tuwing linggo.

At lahat daw ng ito ay nagagawa nia kahit wala siang piggery.  Meron lang siang pansamantalang lagayan ng mga baboy na hindi pa nakakatay. Karamihan daw kasi sa nabibili niang baboy ay deretso na sa slaughterhouse.

kuyang d just want to make sure regarding your 150 per kg na retail price. shouldn't you consider also the price of the pata, bones, ribs, head etc.. which has a different price from the meat?

baka makatulong:
LAMAN         57-60%
BONES        13-14%
PANG-DINAKDAKAN (ears…)         3%
PANG-EGADO (atay/intestine/bato)        4-5%
PANG-DINUGUAN (bituka,intestine…)        4-5%
MGA TABA-TABA/BUTO-BUTO                 -

410

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Agrifarmer,

Salamat po sa additional information. 

Actually my reply to 3m's post was a long time ago.  After my reply, we proceeded to katay all of my grown pigs except for 3 that we have selected to use as gilts.

We also came to realize that not all components of the pig have the same market price, as you have explained above.  However, here is an example of the last pig that we have slaughtered:

1. Total kilos liveweight before slaughter..................151 kilos

2. Less: total kilos of ulo, baga, dugo, ulam sa farm   19 kilos

3. Less: resiko  of 4 kilos na hindi ko na inalam ......    4 kilos

4. Net sales ng ibaibang parte ng baboy..............     128 kilos  iba-ibang presyo din depende sa parte

5. Total net sales of the 128 kilos ......................      P17.482.00

6. Average selling price of the 128 kilos........    P136.58 per kilo (P150-P160 laman, P110,P100, P90, P25)

7. Selling price sa palengke.........................    P180.00  presyo ng laman

7. Bayad sa taga Katay...............................     P200.00

8. Gastos sa gasolina ng trici pagdeliver.......      P200.00

9. Prevailing liveweight price day of katay....      P90.00 per kilo x 151 kilos = P13,590

Well, hindi pa rin naubos ang mahigit P36.00 average selling price namin kahit na binabaan pa namin ng P20-P30 ang presyo ng laman compared to the palengke retail price.  Pag 15kilos and above kasi ay P150 lang ang discounted price namin.

Meron pa kaming 19 kilos na ulo, baga, dugo, at laman na ulam sa farm.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

411

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

yes po, parang na OT pa nga yata, ngayon lang kasi ulit ako pumasok dito eh smile

412

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Agrifarmer,

May binibigyan talaga kami ng discounted price....may 1 nagtitinda ng lutong ulam, at may 2 yatang nagBBBQ.  Pero pag binenta namin sa kanila ng P150 per kilo ang laman ay hindi parin kami lugi kompara sa P90 per kilo liveweight.  Akala nga namin nasa P80 per kilo liveweight pa rin dahil nasa baryo kami at hindi ako nagpapacheck ng palengke price.

Laking gulat ko ng malaman ko lang last week na P180 na raw ang palengke price at P100 na raw ang liveweight.  Kahapon ay tumaas na naman ang liveweight to P105 per kilo na!!!

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

413

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang D,at Agrifarmer,
sa akin tuloy tuloy ang katay 3x a week  parin pag wala akong sariling pig my byahiro ako ang taga katay at tadtad ko sya na lahat kasi ang price ko sa kanya 170 lang ako sa kanya na ang 10 per kilo as in net lang ako 170/kilo sa meat at sa paa ulo at lamanloob sa akin parin kaya super kita parin ako at syimpre sa taga katay ko kaya mgayon ang style namin sa backyard mag bili kasi mas mura kaysa farm na by kilo of LW sa backyard tingin lang ang basihan sa katawan lagi kang panalo.
sa amin pala walang ibang pricing ang meat basta baboy lahat sya walang limpo or pork chop ang price pariho lang 180/kilo..

414

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga Kuyang,

I got permission to share this proven P.I.G.S. housing design but Sir Kenbats specified that they are for reference only dahil patuloy pa niang ini-improve ang design.  Sabi nia na malaking katipiran ang design na 2 side by side ng 2 modified P.I.G.S. (from the original YouTube design) when it comes to the walls, posts and roof.

I plan to follow this design in building my future P.I.G.S. (Profitable Indigenous Growing System) housing pero I will stick to the single side housing dahil ang ginagamit kong roofing ay NIPA or ANAHAW roofing with BAMBOO framing at malaking katipiran ito sa materiales.  Masyado na kasing malapad ang 2 side by side na PIGS para sa bamboo and NIPA roofing sa required na 30-degree bamboo roof framing. 

These are the pics for your reference only and not actually being offered na sundin ng mga ka-forum natin:

1. 2 Side by Side P.I.G.S. pen housing:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/2PIGSHOUSINGSIDEBYSIDE1ROOF.jpg

2. Floor plan of the 2 side by side P.I.G.S.:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/FLOORPLANFORTHEHOUSING.jpg

3. Perspective drawing of the P.I.G.S.:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/PERSPECTIVEOFHOUSINGDESIGN.jpg

4. Side view drawing of the P.I.G.S.:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/SIDEVIEWOFHOUSINGDESIGN.jpg

5. Front view drawing of the P.I.G.S.:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/FRONTVIEWOFHOUSINGDESIGN.jpg

6. Trusses detail of the roof of the P.I.G.S.:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/TRUSSESDETAILOFROOF.jpg

7. Door design for the P.I.G.S.:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DOORDESIGNFORTHEHOUSING.jpg

8. Actual pic of the door per design in no. 7 above:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/PICOFTHEACTUALDOOR.jpg

9. Bill of Materials (BOM) for the 2 side by side P.I.G.S.:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/BILLOFMATERIALSBOMFORHOUSING.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

415

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga Kuyang,

Sir Kenbats also made use of only 1 auto feeder per pen for 15 or 16 piglets at it was proven successful dahil pag ad libitum ang dry feeding ay pabalik balik lang mga biik sa iisang auto feeder at hindi na kailangan ang marami sa bawat pen.  This is the same 2 side by side pic of the P.I.G.S. housing of Sir Kenbats that was pictured in the previous above post.  The piglets here are the grown pigs that were shown in the previous post :

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/poolandfeedingarea.jpg

Another pic of the auto feeder with some piglets using it:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/pigletseating.jpg

Another pic of the auto feeder and the auto drinkers with some piglets using the auto drinkers:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/pigletsdrinking.jpg

Another pic of the 2 side by side P.I.G.S. with some piglets playing in DBS  and pool area:
http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/pigletsinpenA.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

416

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang ken,

magkano bili mo sa auto feeder na nasa pics sa DBS pen?
thanks

417

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

tholitz13 wrote:

kuyang ken,

magkano bili mo sa auto feeder na nasa pics sa DBS pen?
thanks

Sir Tholitz13, 10,200 php po.

418

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

from schippers yang Uni Fedeer.

Calamba, Laguna
E-MAIL & ADD us on FACEBOOK:   laguna_piglets@yahoo.com

419

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

earthcrisis wrote:

from schippers yang Uni Fedeer.

tanong ko lang po  - bakit po may pool sa gitna ng PIGS?  para saan po iyon? salamat

maverick

420

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

sir maverick wrote:
earthcrisis wrote:

from schippers yang Uni Fedeer.

tanong ko lang po  - bakit po may pool sa gitna ng PIGS?  para saan po iyon? salamat

maverick

Sir maverick,

Ang pinangalingan po ng original design ng P.I.G.S. ay makikita sa YouTube presentations ng FeedsPro kung saan pinakita nila na ang partition ng housing ay composed of a square or rectangular floor plan, the feeding troughs with dividers and with auto drinkers of which are on one side, na sinundan agad ng DBS area, and on the other side is the pool.   

Pinaliwanag nila na kelangan ng baboy ang pool dahil sa Pinas ay walang winter at during hot season ay dapat may lubluban ang baboy, hence the pool area.

Sa original floor layout ng FeedsPro ay maraming comments na madaling ma-contaminate ng maruming DBS materials ang feeds na kinakain ng baboy at puedeng pagmulan ng sakit pag ang DBS materials na may halong tae or ihi ng baboy ay mahalo sa feeds na nasa feeding troughs or sa automatic feeder.

Ito siguro ang dahilan kaya may mga lumabas na design ng P.I.G.S. na conventional housing (cementado) pa rin ang pahingahan at at feeding area ng mga baboy with feeding troughs with dividers, at may pinto palabas ng housing na immediately ay palabas sa pool area sa labas, and afterwards ay may 1 foot na concrete rampa papunta naman sa DBS area.  Ang pool at DBS areas ay parehong nasa Open Space sa labas ng concrete floor housing.

Ito rin ang dahilan (feed contamination) kaya ng magpagawa ako ng P.I.G.S. ko (almost the same floor design as the original P.I.G.S.), ay binago ko lang ang layout ng floor plan.  Sa halip na nasa gitna ng magkabilang sides ng feeding area at pool area ang DBS area, ay nilagay ko ang pool area between the feeding area and the DBS area.  With this layout, still enclosed under the roof ang buong P.I.G.S., mahigit na mura ang construction cost, at higit sa lahat ay nabigyan ng solusyon ang issue ng "contaminated feeds" dahil bago makarating sa feeding area ang mga baboy galing sa DBS area, ay dadaan muna sila sa pool at mahuhusan ang kanilang paa.  In addition sa nahugasan na ang kanilang paa, ay may cementadong space (additional na pahingahan din) pa sila na dadaanan bago makarating sa Feeding troughs na may mga dividers at auto drinkers din.   

Ito po ang pic ng design ng P.I.G.S. ko na designed for fattening piglets at tested na po namin sa 15 piglets until lumaki sila at kinatay namin paisa-isa.

1. My P.I.G.S. prior to completion:

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/GEDC3158.jpg

2. My P.I.G.S. with 15 piglets using the autofeeder. Ng lumaki na ang piglets ay tinangal ko na ang auto feeder dahil hindi na makakain ng sabay sabay para sa feeding troughs na may mga divider na lang sila kumain.  Pero sabi ni Sir Kenbats ay hindi naman daw sabay sabay na kumakain sa nagiisang auto feeder ang 16 piglets/pigs nia kaya ang design ng P.I.G.S. nia ay wala ng feeding troughs kung hindi auto drinkers na lang: NOTE: Dry feeding si Sir Kenbats dahil auto feeder at walang Feeding troughs.  Pag Wet feeding tulad ng fermented feed ng FeedsPro ay kelangan talaga ang feeding troughs.

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC00301.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

421

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

sir maverick wrote:
earthcrisis wrote:

from schippers yang Uni Fedeer.

tanong ko lang po  - bakit po may pool sa gitna ng PIGS?  para saan po iyon? salamat

maverick

ayan na sir maverick, ang ganda pagka-explain ni kuyang D. Kahit po sa conventional commercial farm may wallowing area din silang nilalagay. Habang lumalaki ang baboy mabilis umiinit kasi ang katawan nila dahil sa taba, kaya para ganahan silang kumain maglagay ng wallowing/ pool area. Iniiwasan din nito ang heat stress....

422

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kenbats wrote:
tholitz13 wrote:

kuyang ken,

magkano bili mo sa auto feeder na nasa pics sa DBS pen?
thanks

Sir Tholitz13, 10,200 php po.

Sir Tholitz12, ang auto feeder ko ay 4,200 lang na pinagawa ni Sir Wintuha sa welder nia.  Sabi sakin ni Sir Wintuha, pag ang ginamit ko daw ay materiales na galing sa junk shop at may sarili akong welding machind at welder (my farm worker is also a welder) less than 4,200 lang daw abutin. 

Anyway, kaya kaya naman ni Sir Kenbats ang galing sa Schippers na auto feeders dahil nasa abroad sia.   he he he.   

BTW, Sir Kenbats, marami na maraming salamat sa patuloy mong pagtulong sa akin sa mga designs ng pig housing.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

423

Kuyang D, malakas lang loob ko... malakas ang loob na mangutang hahahaha.

424

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kenbats wrote:

Kuyang D, malakas lang loob ko... malakas ang loob na mangutang hahahaha.

Pareho pala tayong malakas ang loob.  he he he.

BTW, ito na ang pic ng tire feeder per your drawing na nawelding ng worker ko.  Hindi pa sumasagot sa tanong ko kung sinokat nia ang ulo ng mga biik na sigurado na hindi na makakapasok ang buong katawan sa loob ng dividers.  16 dividers kasi ang nasa drawing mo pero 13 ang bilang ko sa na-welding. 

Pagsasabihan ko na lang na kung sa tantiya nia ay maluwag ang dividers ay hintayin muna lumaki ang mga biik bago testing na gamitin. 

Palilinis ko mabuti ang goma.

Ano kaya ang puedeng gamitin na pintura sa mga rebars?

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04455.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

425

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

dear duckduck - maraming salamat for replying to my query...nakakabilib at nakakainspire ung mga inputs mo dito sa forum...surely marami ng natuto sa mga naishare mo dito.  mabuhay ka and may your business grow and grow as you continue to help others.

maverick

426

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga kuyang,

Share ko lang ang pic ng second inahin ko na nanganak ng 11 piglets kabagi.  21 days ang pagitan nila sa panganganak ng ate nia.  Ngayon ay alam na namin ang gagawin sa mga biik. he he he.

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04447.jpg

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

427

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

sir maverick wrote:

dear duckduck - maraming salamat for replying to my query...nakakabilib at nakakainspire ung mga inputs mo dito sa forum...surely marami ng natuto sa mga naishare mo dito.  mabuhay ka and may your business grow and grow as you continue to help others.

maverick

Sir maverick,

Karamihan po sa postings ko dito sa forum ay galing din sa mga advises ng mga naunang experiensadong mga ka-forum natin na patuloy na tumutulong din sa mga baguhan na tulad ko. 

Dahil nasa stage pa lang ako ng pagaaral ng pagbababoyan, ay hinahanapan ko ng paraan ang mga advises or drawings  or systems na pinadadala sa akin ng mga ka-forum natin, para mapababa ang construction cost ng housing at maging effective ang system, mapababa ang alternative cost of feeds at mahanapan ng solusyon ang mababang liveweight price. 

Ang lahat ng ito ay geared towards helping the small backyard raisers like me, para naman ang pinaghirapan nilang maliit na puhunan ay mapagkasya at hindi masayang sa pagpasok nila sa ganitong negosyo sa unang pagkakataon.

Sana nga ay nakatulong ang mga postings ng various contributors na nagtulong tulong dito, and I value very much their friendship.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

428

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

duckduck wrote:
kenbats wrote:

Kuyang D, malakas lang loob ko... malakas ang loob na mangutang hahahaha.

Pareho pala tayong malakas ang loob.  he he he.

BTW, ito na ang pic ng tire feeder per your drawing na nawelding ng worker ko.  Hindi pa sumasagot sa tanong ko kung sinokat nia ang ulo ng mga biik na sigurado na hindi na makakapasok ang buong katawan sa loob ng dividers.  16 dividers kasi ang nasa drawing mo pero 13 ang bilang ko sa na-welding. 

Pagsasabihan ko na lang na kung sa tantiya nia ay maluwag ang dividers ay hintayin muna lumaki ang mga biik bago testing na gamitin. 

Palilinis ko mabuti ang goma.

Ano kaya ang puedeng gamitin na pintura sa mga rebars?

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04455.jpg

kuyang d, mukhang malawak nga ang gap ng trough... pang 5 ~ 35 days old ang design. kung 15 ang anak ng sow mo magkulang ka ng trough hehehehe kaya 16 ang sa drawing ko.

primer red lead lang okay na... ipagrinder mo lang ng maayos ang mga welding spots para hindi makasugat.

429

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Sir Kenbats,

Salamat.  Pagrinder ko na lang ang mga welding spots per your advise.  Para hindi makasugat.  And I will post later sa resulta. Palagay ko OK din ang kalalabasan nito kahit sabihin pa na hindi automatic.  Ang tawag ko dito ay "Poor Man's Tire Feeder".  he he he.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

430 (edited by duckduck Apr 24 2012 06:53:15)

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga kuyang,

It was more than a year ago that I read in this forum that feeding the pigs with alternative feeds to the commercial feeds can lower our feed cost.  In fact Mr Andry Lim posted that the composition of the  organic feed they are using in his farm is as follows:

50% IMO food (recipe above)
25% rice bran D1
25% commercial pig food

After I watched in the YouTube presentation of FeedsPro that the ingredients of the FeedsPro commercial feed are all organic materials, I thought that by using the FeedsPro feeds in Mr. Andry Lim's organic feed composition above, would result in 100% organic feed.

1.  Due to the above I strive to plant the various species of plants discussed by Mr. Lim in making  the IMO food that would compose the 50% IMO food. 

2.  The other 25% that is the Darak D1 is easy to come by specially during the palay harvest season.  I already made arrangement just 3 days ago to buy the entire palay harvest of a friend of mine in the barrio.  He actually harvested only 70 sacks of palay of average 50 kilos per sack and delivered them to my farm on 4/23/2012.  We will stock the palay after na mabilad namin tuwing mainit ang araw.  Pag tumaas na ang presyo ng bigas ay saka namin pakiskis ang palay sa konohan para mabawi ang puhunan sa palay with maliit na tubo at malikom namin ng libre ang mga DARAK D1, binlid at IPA.  Gagamitin namin ang DARAK D1 as the 25% component of Mr. Lim's organic feed.

3. Since the FeedsPro feeds is now in Sorsogon City, the last component of Mr. Lim's organic feed which is the 25% commercial feeds is now available.  It was advertised that this FeedsPro feeds are made from organic materials.  Therefore by using it, Mr. Lim's feed composition would truly be a 100% organic alternative feed for my pigs.

Reducing the Pig Ration to only 25% would be a material reduction in the feed cost and the above might result in 100% Organic Feed.

I have spent close to 2 years now in planting the various plants needed to make the 50% IMO food and I think I am close to attaining my goal.  These are the various plants that were discussed in Mr. Lim's posting that I planted in my farm such as the madre de agua, indigofera, flamengia, rensonii, talinum, alugbati, Palm Oil trees, kankong, malungay, bananas, camote, gabi, etc.  The plants are now established in the soil and we are now making cuttings in plastic bags to fill up all vacant spaces in my farm so that we will never run out of raw plant materials for the 50% IMO plant food.  Maybe when I take my vacation next month we can start making Mr. Lim's organic feed mixture to feed to the pigs.

I am sharing some pics of the plants in one part of my farm as follows: (NOTE: Plenty varieties of these plants came from Sir Tholitz)

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04383.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04384.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04385.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04386.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04387.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04388.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04389.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04390.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j52/tonyjao/DSC04391.jpg

In case other ka-forums wish to know the complete post of Mr. Andry Lim's "Thailand Pig Ration" that I copied and pasted into my computer archive, I am reproducing it here instead of having difficulty looking for it in very lenghty threads in this forum. 

The following is the post:

This is the Thailand Pig Ration as posted by Andry Lim of Davao in another thread that I reproduce here because it is relevant to the topic in this thread on how to “reduce feed cost”.

Per Andry Lim:

Here's the recipe we teach, then later on you can design your own feed formulation. First you have to plant the legumes (rensonii, indigofera, tricantera gigantea or madre de agua) and vegetable plants. Remember that our baboy is a vegetarian).

Formula for IMO Pig Food

Ratio: 100 parts plant material / 4 parts sugar / 1 part salt

•    Obtain edible plant material (any quantity). Examples include water spinach (kangkong), fresh grasses, banana stems, etc. Consult with locals for ideas for local native options.

•    Chop plant material into bite sized pieces, mix with sugar and salt, place in plastic or ceramic bucket.

•    Cover with PLASTIC sheet and tie in place. This is an anaerobic process that pickles the material.

•    Food is ready to feed in 5-7 days. It will have a good smell and sour taste. Pag mabaho ibig sabihin hindi mo natangalan ng lupa. kaya dapat wash and dry or ipagpag. Basta make sure walang lupa para hindi madaling mapanis.

•    Can use this food for up to 50% of the ration.  See the sample Thailand ration below.

This is an example pig ration from Thailand and what we are using today in our farm. Because we plant a lot of legumes and vegetables kaya hindi na kami gumagamit ng  100% commercial feeds. 75% ay natural organic feeds na ang pakain namin.

50% IMO food (recipe above)

25% rice bran D1

25% commercial pig food (I heard FeedsPro feeds is ORGANIC also, so if FeedsPro feed is used, the pig ration is 100% organic na.)

Add water to make a slop. FFJ (papaya or tundan saging) or from  FPJ (banana trunk). 

Pigs should reach market weight in 3-4 months.

Tips:

Introduce new food in small quantity and increase % over time.
Use at least 2 containers for IMO food production. Feed the pigs from one container while you fill the other and wait for it to pickle. From this recipe pwede ka ng gumawa ng sariling feed formulations according sa material na available. We put coconut charcoal to our pigs and they love it.  Hope this will help you reduce your feed cost.

Legumes kapamilya ng sitaw...may pods.

100 kg. / 4 kilo molasses or muscuvado / 1 kilo salt 

This is good for grower/ finisher feed replacement

Don't forget to put 1 kilo crushed coconut charcoal.

Hope you are familiar in making FFJ/FPJ

Other than reduced feed cost, it is also recommended to have a well ventilated and solar power house and the bedding ay dapat may pumapasok na araw and of course you have to have a feedlot or vegetable garden for your kitchen and the pigs. Ideally, 300 sq. meters of feedlot is enough for 10 heads.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

431

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Share ko lang din po sa inyo mga sir, "auto" feeder for piglets. pinoy ingenuity din (^_^)

http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/Photo0464.jpg

http://i61.photobucket.com/albums/h80/7candlesburning/Photo0463.jpg

What more did you learn? (^_^)

432

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

share ko din un akin
http://i1116.photobucket.com/albums/k578/eioz1/166948_320935417945115_100000859777242_931776_1607858662_n1.jpg

433

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

eioz farm wrote:

share ko din un akin

WoW! (^_^) commercial na commercial sir! galing!

What more did you learn? (^_^)

434 (edited by duckduck Apr 24 2012 06:39:54)

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Sir Eioz,

Ang second inahin ko ay nanganak na rin ng 11 piglets. Ang pic ay nasa post 426. Very functional ang DBS farrowing pen design mo.  Hindi nahihirapan ang nagaayuda sa inahin na vet at farm worker dahil naglagay lang sila ng upuan sa tapat ng puwit ng inahin.  Meron na akong 4 at may laman lahat.

Balak kong e-convert na DBS farrowing pen yong pen na may open DBS sa labas. Puedeng magkasya don ang 4 pang DBS farrowing pens. Siguro babaan ko na ang level ng inahin mula sa cement floor sa ibaba at habaan ko na ang lenght ng pen para sa inahin.

Si Sir kenbats at Sir tholitz ay EIOZ style na rin ang mga DBS farrowing pens at palagay ko meron pang iba. he he he.

Salamat sa pag post mo ng DBS farrowing pens.  Marami kang natulungan.

May nakita akong ginagawa ka yatang bagong mga DBS farrowing pens. Siguro tapos na yon. Paki post lang ng pics dito na maraming angles para makapulot kami lahat ng bagong design mo kung meron ka na.  Baka magamit ko rin sa ipagagawa kong 4 pa uli na DBS farrowing pens.

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

435

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga Kuyang,

Share ko rin ang feeder pic na ginagamit namin sa farrowing pen, ulit from schippers :-)

http://i1177.photobucket.com/albums/x345/kenbats/pigletfeeder.jpg

436

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

@ sir vetimer,
ano po size ng pvc ginamit nyo? at ano po ang base ginamit mo?

@ sir eoiz,
napansin ko may drinker nakatapat sa feeder pero nakaclose naman ang valve - para saan po yon? molded cement po ba ang base ng feeder mo?

437

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Kenneth,

Gaano ang overall length ng farrowing pen mo para sa inahin including the space sa likod ng inahin na para sa mga biik sa paglipat lipat nila para hindi madaganan ng ina?  The same ba ang lenght sa pinadala mong spec sa akin?  I think posted na dito sa thread, di ba?

"The man who asks a question is a fool for a minute, the man who does not ask is a fool for life.”  "It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”  "The cautious seldom err. "

438

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

duckduck wrote:

Kenneth,

Gaano ang overall length ng farrowing pen mo para sa inahin including the space sa likod ng inahin na para sa mga biik sa paglipat lipat nila para hindi madaganan ng ina?  The same ba ang lenght sa pinadala mong spec sa akin?  I think posted na dito sa thread, di ba?

Kuyang D,
8 feet po ang haba ng farrowing pen. pakicheck nlang kung updated na ba yong pinadala ko sau, pero ung sa likuran lang ang nabago from 7feet to 8feet. alam ko napost mo na yon :-)

439

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

Mga Kuyang,

Maiba po tayo ng konti :-)

Ask ko lang kung ano po ba ang ideal weight na panglechon na baboy (in LW po)? At kung magbebenta tayo magkano naman ang per kilo sa LW?

Malapit na kasi ang fiesta sa province namin at marami nag-inquire kung pwede makabili ng panglechon size na baboy. Hindi pa kami nagcommit kasi mukhang lugi at gimik lang nila.

Kung ang biik ay mawalay ng 8~10kilos na timbang at ang presyo magrange nang 2K ~ 2.5K pesos. Tapos compare natin naman..... kung sabihin natin na ang ideal timbang ng baboy na panglehon ay 20~25Kilos at bibilhin nila ng 100pesos/ kilo LW - lalabas na 2K ~ 2.5k din :-)

Ano sa tingin nyo mga kuyang at ateng?

440

Re: Modified P.I.G.S. Baboyang Walang Amoy, Feeds/Marketing Solutions

kuyang ken,

ideal weight is around 25-40 kg para pang lechon. nasa P120-P150/kilo ang live weight otherwise lugi ka kung sa P100/kg.
Pag nag litson ka ng 30 kg after maluto it is around 15 kilos na lang, sa amin ang presyuhan nyan ay nasa P6000-P6500. nasa P1500 din kasi gastos sa paglilitson bayad sa trabahador, uling, katay saka pag gawa ng sarsa at dinuguan.