1

Topic: swine feed converter

tanong ko lang po kung may produkto ba na makapag convert ng econo feeds into premium feeds? ako po ay may alagang baboy at gusto kung lumaking malusog, mas manipis ang taba ang aking mga alaga. siyempre dapat ay magaan din sa bulsa upang masigurado ang malaking kita.

2

Re: swine feed converter

magmix po kayo ng sarili ninyong feeds para po ma control ninyo ang paglaki ng inyong baboy at manipis ang taba

3

Re: swine feed converter

swine_raiser wrote:

tanong ko lang po kung may produkto ba na makapag convert ng econo feeds into premium feeds? ako po ay may alagang baboy at gusto kung lumaking malusog, mas manipis ang taba ang aking mga alaga. siyempre dapat ay magaan din sa bulsa upang masigurado ang malaking kita.

As the law of physics would say, energy can neither be created nor destroyed, only changed into other forms of energy.. kung econo feeds ang bili mo, kahit anong produkto ilagay mo di yan gaganda.. unless yung ihahalo mo, eh high nutritional value, but adding 1kg to 50kg wont do much.. and even at that mas makakasiguro ka nlng siguro bumili nung premium feeds..

self mixing will save you a lot if you have the following:
1. milling equipment, kung magpapagiling ka mapapagastos ka lang
2. enough capital to buy truckloads of raw materials para makabili ka sa wholesaler at hinde tinge tinge
3. knowledge and research.. id say this is the most important..

if you want to maximize profits without selfmixing there are a couple of things you could do
1. timing timing timing! i-timing mo na sa dec-april ang katay nila, kasi dun mataas presyo
2. kaw magkatay at ipautang sa mga kapitbahay
3. purchase a sow/piglets with a good genetic line
4. practice everything else related to proper swine management

God bless at goodluck!

4 (edited by irwinmelo Dec 08 2011 05:10:48)

Re: swine feed converter

nicely said sir utakpulvoron

ang modification ko lang sa recommendation mo ay ang word na "ipautang" sa #2 ....in my opinion ang mas tama ang word na "HUWAG mong ipautang"....hehehe

for the TS (Thread Starter)....kaya po naging "ECONO" feeds yun ay dahil ginamitan yan ng low cost raw materials.  most low cost raw mats have low nutrient value.  low levels of nutrient equate to low levels of nutrient absorb or used up by the animals.

paano lalaki ang animals sa ganun?!?

5

Re: swine feed converter

thank you sa suggestion m Mr.utakpulvoron, that would help  smile pero may isang produkto daw na nag coconvert ng econo feeds into premium feeds like what u said inihahalo. yung WALNUT AMINOLEAN FEED SUPPLEMENT, familiar ba kayo sa product na yan?

6

Re: swine feed converter

swine_raiser wrote:

tanong ko lang po kung may produkto ba na makapag convert ng econo feeds into premium feeds? ako po ay may alagang baboy at gusto kung lumaking malusog, mas manipis ang taba ang aking mga alaga. siyempre dapat ay magaan din sa bulsa upang masigurado ang malaking kita.

familiar ka ba sa WALNUT AMINOLEAN FEED SUPPLEMENT?? inihahalo yang product na yan sa isang econo feeds then ang effect ay parang premium feeds na ang gamit mo. mas makakamura ka din at ang resulta? sulit na sulit.

7

Re: swine feed converter

spence wrote:

narinig ko lang yang WALNUT AMINOLEAN pero hindi pa ko nakakasubok. san ba makakabili niyan? ano epekto sa baboy niyan?

8

Re: swine feed converter

why do i get this feeling na marketing ploy lang to.. hahaha, peace bro! mejo obvious lang kasi..

suggestion lang, it would probably be better if you could give how exactly the supplement works in converting econo feeds to premium feeds.. now that would be a far more interesting article to read!

9

Re: swine feed converter

yes i've seen that walnut aminolean, available sa Pacifica agrivet. pero kung icompute mo ang cost ay mas mahal keysa premium feeds kaya mas mabuti pa mag premium feeds ka nlang at assured na balanced nutrient pa. ang cost kasi eh nasa 4 pesos per kilo pag mgdag2x ka nang walnut, eh kung ang econo feeds ay nasa P26/kilo vs premium na P29/kl eh sa premium feeds ka na lang di pa ka mapapagod sa mixing.

simple lang naman ingredient ng Walnut: Lime,Mdcp,lysine,methionine,threonine,and vit min..

10

Re: swine feed converter

walnut is produced by METROVET a division of CARGILL (maker of PURINA feeds).

I am not surprise na pagdudahan ni sir UtakP na marketing ploy lang eto....nevertheless on a technical point of view the possibility is true.

Adding more amino acids on a low density/cheap feeds will improve it nutrient profile.

HOWEVER, wil will it GUARANTEE the right performance?  Ang pagdududa ko ay base on that fact that:

1)  The high fiber by-products (like copra or pollard or rice bran etc) used in low density feeds are still very high.  Even if you add a product like that, you can not easily dilute that.

2)  Adding the product (amino lean) will also increase the cost... so what is the difference (as pointed out by jadef) of that from buying the right product from the start.  Hindi ka rin naman makakatipid pala.

3)  There are too many combinations or variability sa content ng mga low density feeds (cheap feeds).  That alone will not guarantee the improvement that you will expect na between brands.

To prove that it work, the only thing left for your to do is to try it... and see if tutuo nga ang claim nila.

On the side note, if jadef evaluation of walnut aminolean composition is correct, this same composition is similar (but not necessarily equal) to those old-school products like - AFSILLIN of Novartis and UNIVITE of Unahco/Univet.  Do they work?!  well maybe... smile

11

Re: swine feed converter

sir tanong ko lang sa inahing baboy po ba pwedeng ipakain ang magkahalong darak at feeds.

12

Re: swine feed converter

Why would you want to dilute the nutrients of a perfectly good finish feeds???

Puede kung sa puedeng ihalo ang darak sa feeds and give it to the animals...but that will only further "unbalance" the nutrients in the feed.  Net effect nito, hindi magiging tama ang performance ng inahing baboy.  I

magine this...isang taong buntis e huwag mong bigyan ng tamang nutrient habang buntis siya. Do you think na ang sangol na iluluwal niya any maginging healthy?!?  Probably NOT.

Pagtinipid mo inahin, titipirin ka rin niyan...eventually ang nasa isip mong pagtitipid mismo ang papatay sa iyong negosyo.

13

Re: swine feed converter

neggaslash wrote:

sir tanong ko lang sa inahing baboy po ba pwedeng ipakain ang magkahalong darak at feeds.

sir 7 yrs na ako nag iinahin darak lang 2kls bawat araw is good.. matipid

14

Re: swine feed converter

sir 7 yrs na ako nag iinahin darak lang 2kls bawat araw is good.. matipid

kuyang,
paki explain po hindi po ba kayo nag hahalo ng feeds? pure darak lang pakain nyo,kasi sa akin 50%-50% feeds at darak pag 1 week bago farrow pure feeds na.

15

Re: swine feed converter

3m`s wrote:

Merun kami inahin sa zambales ganyan din 50/50 darak:broodsow pa pero maganda naman performance nanganak pa nga ng 9 first parity, 2nd parity is 11 ang kaso mababa lang bentahan ng biik 1600 lang per head.

16

Re: swine feed converter

kuyang erik,
sa akin mula pa nag start kami mag alaga ng baboy mapa fattining man o sow 50/50 na.sa sow 50% darak 50% gestating pag malapit na manganak lactating na pure,kong dry sow period nya growing naman 50/50 parin, kasi po kong subrahan mo po dami ng darak less ang feeds maapiktohan diin po ang nutrisyon ng sow.sa mga anak ng sow from 1st parity halos 10+ ang una diin 13 at 17 depindi sa sow my sow ako na 13 ang 1st until pang 4th nya naka 17 pa.dito sa akin 2,200 ang biik ko piro pag kong bultohan pwdi na 2taw per head kasi ganoon diin po mahal ang pre starter mgayon kaya pag pinatagal mo pa ang piglets maliit na kita mo,mgayon bawas akon alaga ng fattining kasi matumal ang bintahan sa palingki ng katay na baboy every sat at sunday kami katay,ordinary days wala.kaya ang biik na natitira yon nalang alagaan para fattining

17

Maganda yan at kahit papaano mababa ang production cost mo. Musta naman mga weight ng biik, ilang kilo?

18

Re: swine feed converter

@kuyang erik,
nasa 10 - 13 kg diin bago ko binta kasi minsan 28 days pag walay nasa 10 kg or less lang kaya stay ko mga + 10 days pakain mabuti para ma dagdagana ang laki minsan sabay sa weaning my buyer ang malalaki 2,200 pesos na, kaya ang remaining fattening but sometimes my buyer binta na rin lahat.