1

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

sir gud day, ive heard na mataas ang demand ng organic grown plants/vegies/fruits lalo na sa mga restaurants, hope u share or post the list of plants dat can b grown this way, at available din sla n site of related studies n ongoing reseaches. tnx so much

plant now trust tomorrow..:)

2

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

hi edgar. The increasing number of organic shops, and number of farms applying for organic certifiation is an indication that the demand for organic products is increasing.

Most plants can be grown organically. There are already certified farms that produce organic vegetables, herbs, fresh fruits and processed products, and virgin coconut oil.

3

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

tnx sir u ryt. lalo na sa mga hotels, sir nababawi ba ang ganito, mas mahal man talaga sla compared vegs using pesticide, ano po ang price difference?? or wla pro mataas ang demand?? tnx

plant now trust tomorrow..:)

4

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Usually mas mahal ang organic vegetables than conventional ones, though I am not sure about the price difference.  You may check sa SM supermarket, may ibinebenta sila na certified organic vegetables (lettuce) produced by LAC.

Tess

5

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

ic, tnx a lot mam ka.c may nacontact kami na naghahanap ng organic veggies, tnx a lot  :)

plant now trust tomorrow..:)

6

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

i guess aware na din mga pinoy consumers abou the value of organically grown crops.

My favorites sites:
http://www.dpreview.com
http://www.electronicslab.ph  - pinoy electronics forum
http://www.acnetreatmentlab.com

7

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

sino po ang may lists? paki post naman po..

pictures @ www.hograiser.multiply.com

8

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

first of all, vegetables that you eat raw, including herbs, should be grown organically.
almost all vegetables can be grown organically. but the level of difficulty in growing them will vary. another problem is consistency of supply, since organic farms (kung totoong organic), practice crop rotation.

what i've tried growing organically:
lettuce
cucumber
tomato
aubergine
pepper (sweet, hot, etc.)
pak-choi
upland (Chinese) kang-kong
radish
basil
dill
stevia
okra
ampalaya
pole beans
fennel

i know i'm forgetting something but i think this list will give you some idea.

Diverse || Organic || Sustainable || Eco-friendly
www.dailydosefarm.blogspot.com
nonatus@gmail.com

9

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

congratulations daily dose farm!Nasilip ko na ang iyong website, bilib ako senyo minsan sana makabisita ako sa farm nyo.
Curious ako sa marketing ng inyong products lalo na ang nabanggit mo sa itaas na herbs tulad ng dill, fennel, basil, (anubayung stevia, sorry di ko yata yun alam), may demand ba ng mga ito? And also for the rest of your prouducts, ano ang marketing system nyo?

10

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

ang stevia ay isang uri ng palumpong na kadalasang ginamit bilang pamalit sa asukal (sugar substitute.) sinasabing itoy 300-daang beses na mas matamis sa asukal.

maraming kontrobersya tungkol sa pag-gamit nitong bailang palit-asukal. nabasa ko minsan na sa EU, banned ang stevia. ito'y isang pagpapatunay na hindi lahat ng natural at organiko ay agad na ligtas sa kalusugan.

11

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

salamat po ma'am Judith sa pagsilip sa blog namin. Welcome po kayo sa farm. e-mail nyo lang po ako kung gusto nyo bumisita, mas maganda po kung grupo para bibigyan ko na rin kayo ng maikling lecture tungkol sa organic farming. LIBRE po ang bumisita sa farm namin.

yun pong mga herbs na tinatanim namin ay para sa maliit na market lang (niche market). main product po namin ay salad greens. kadalasan pong bumibili ng mga herbs ay mga chef pero pang sariling luto lang. :) binebenta po namin ang mga produkto namin sa mga flea market ng AANI. Sa Quezon Memorial Circle at sa FTI sa Taguig. maliit palang po ang production namin, pero honest to goodness na organic talaga. alam ni God yan. :)

salamat po sir GOwin sa pagpapakilala ng stevia. matagal na po ginagamit ang stevia sa Japan. sabi nila kaya banned ito sa ibang bansa ay dahil malakas sa gobyerno ang may-ari ng sweeteners na may lahok na aspartame na carcinogenic.

(magtatagalog na ba tayo para hindi makaintindi ang MAGALING?) hehehe...

Diverse || Organic || Sustainable || Eco-friendly
www.dailydosefarm.blogspot.com
nonatus@gmail.com

12 (edited by GOwin Dec 28 2007 11:42:05)

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

kahit saan talaga may politika.  sa EU - ang stevia laban sa mga manganagalak ng aspartame. dito, ang pinoy dito laban sa nagmamagaling. ayun, mainit na naman ang ulo. hahaha.

Tama ka DDF, mahigit 30-taon ng ginagamit ang mga asukal na gawa mula sa stevia sa japan.  Merong isinulong na mungkahi sa Kongreso natin para ipagbawal ang paggamit ng aspartame sa pagkain, inumin, gamot at ang pagbabawal sa pagbenta at paglako nito. Ang mga kilalang tatak ng aspartame ay  NutraSweet, Equal, Spoonful, Equal–Measure.

Basta ako, tatangkilikin ko ang sariling nating produktong natural na pamalit-asukal: coco-sugar.

13

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

nsubukan ko na rin yang coco-sugar, ayos yan! nahiya ako kanina banggatin yung mga tatak ng pangpatamis, salamat at binanggit mo na. hehehe...

oo nga pala, yung kapatid ko nagsusubok na ng mangga na pwedeng pabungahin sa organikong paraan. mga imported na lahi nga lang ang ginagamit gaya ng

golden queen at chokanan.

pero syempre maliit ang prodiksyon. may bagong pinakilala sa aming amag (fungus) na kaya daw pumatay ng ngusong kabayo at iba pang uuod (sana kaya ang mga borer). metharisium anisopliae (ewan ko kung tama ang espeling ha) ang pangalan. sinusubukan palang namin.

Diverse || Organic || Sustainable || Eco-friendly
www.dailydosefarm.blogspot.com
nonatus@gmail.com

14

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Ang sarap sa kape ng coco-sugar diba? Malinamnam na tamis pero hindi makapit sa dila. Tamis na may kaselanan, katiting na lasa ng niyog na may kapiyangot na bango ng arnibal at usok.

Mukhang nakakawili yang amag na yan ah. Yung isa kong tiyahin sa Davao ay namromroblema sa Mangga nila. Tipong nagkakaroon ng mga kagat at nabubulok ang loob. Hindi daw malaman ng mga agriculturists kung ano ang sanhi nito.

Wala akong mga mangga eh, puros niyugan lang. Pero sabi sa Internet nagamit na pala ang mga ito sa Niyog at Cocoa sa Australia.

15

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Meron kaming pictures ng booth namin sa AANI FTI,   ang organic vegetables ni DDF ang aking view sa kaliwa ko, kaya ko nakunan :)

Judith wrote:

congratulations daily dose farm!Nasilip ko na ang iyong website, bilib ako senyo minsan sana makabisita ako sa farm nyo.
Curious ako sa marketing ng inyong products lalo na ang nabanggit mo sa itaas na herbs tulad ng dill, fennel, basil, (anubayung stevia, sorry di ko yata yun alam), may demand ba ng mga ito? And also for the rest of your prouducts, ano ang marketing system nyo?

Wholesale/retail of Solraya's Sunshine Chicken - Imported from France, free ranged, grass fed, pasture poultry. Specialized gamefowl, farm and veterinary supplies/equipments.
http://solraya.com  http://solraya.blogspot.com
info@solraya.com (0917) 847-2639

16

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

salamat daily dose farm, someday bibisita ako sa iyong farm sa candelaria

17

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Matry nga tong Metarhizium anisopliae sa mga mangga namin...

Sir DDF, can you please advise naman where we can purchase Metarhizium anisopliae? Me kilala ka bang producers or suppliers? Let us know naman...

Gabs

18

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

mangu_yamyam, bisitahin nyo po ang AANI sa Quezon memorial Circle, meron po silang m. anisopliae.

ma'am Judith, sabihin nyo lang po kung kailan nyo gusto visit. :) oo nga pala, may bago akong mga pic sa blog, nandoon yung pics ng mga lettuce na pinapatubo namin at mga herbs.

Diverse || Organic || Sustainable || Eco-friendly
www.dailydosefarm.blogspot.com
nonatus@gmail.com

19

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Daily DOSE Farm wrote:

salamat po ma'am Judith sa pagsilip sa blog namin. Welcome po kayo sa farm. e-mail nyo lang po ako kung gusto nyo bumisita, mas maganda po kung grupo para bibigyan ko na rin kayo ng maikling lecture tungkol sa organic farming. LIBRE po ang bumisita sa farm namin.

yun pong mga herbs na tinatanim namin ay para sa maliit na market lang (niche market). main product po namin ay salad greens. kadalasan pong bumibili ng mga herbs ay mga chef pero pang sariling luto lang. smile binebenta po namin ang mga produkto namin sa mga flea market ng AANI. Sa Quezon Memorial Circle at sa FTI sa Taguig. maliit palang po ang production namin, pero honest to goodness na organic talaga. alam ni God yan. smile

salamat po sir GOwin sa pagpapakilala ng stevia. matagal na po ginagamit ang stevia sa Japan. sabi nila kaya banned ito sa ibang bansa ay dahil malakas sa gobyerno ang may-ari ng sweeteners na may lahok na aspartame na carcinogenic.

(magtatagalog na ba tayo para hindi makaintindi ang MAGALING?) hehehe...


SIR DDF SINCE mentioned na rin po stevia, ask ko po kung ano maganda pang spray sa stevia kasi po ung ilan  pots of stevia eh kinakain ng parang maliit na caterpillar  . among those herbs i have eh ung stevia lang gusto nila kainin. gusto ko try spray organic insecticide pero inisip ko baka makaaffect sa sweetness ng stevia.. (pasensia na po wala ako formal education on agri... hobbyist lang po....) thank u so much..

20

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Daily DOSE Farm wrote:

salamat po ma'am Judith sa pagsilip sa blog namin. Welcome po kayo sa farm. e-mail nyo lang po ako kung gusto nyo bumisita, mas maganda po kung grupo para bibigyan ko na rin kayo ng maikling lecture tungkol sa organic farming. LIBRE po ang bumisita sa farm namin.

yun pong mga herbs na tinatanim namin ay para sa maliit na market lang (niche market). main product po namin ay salad greens. kadalasan pong bumibili ng mga herbs ay mga chef pero pang sariling luto lang. :) binebenta po namin ang mga produkto namin sa mga flea market ng AANI. Sa Quezon Memorial Circle at sa FTI sa Taguig. maliit palang po ang production namin, pero honest to goodness na organic talaga. alam ni God yan. :)

salamat po sir GOwin sa pagpapakilala ng stevia. matagal na po ginagamit ang stevia sa Japan. sabi nila kaya banned ito sa ibang bansa ay dahil malakas sa gobyerno ang may-ari ng sweeteners na may lahok na aspartame na carcinogenic.

(magtatagalog na ba tayo para hindi makaintindi ang MAGALING?) hehehe...

sir dose tagalaguna po ako ang naiisip po ako ng pede kung start na business ang isa kung ikinokonsidera ay organic farming may maliit po kami lupa sa laguna. isa po akong empleyado na gusto ng kumawala sa pagiging wage slave. gusto ko po kasi pagaaral ang organic farming sa messega nyo po eh pede pasyalan ang inyong farm, pede ko po bang malaman kung paano pumunta sa inyong farm maraming salamat po.

21

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

anig, wala rin po akong formal education sa agriculture, experiment lang at observation. bihirang bihira po ako makakita ng uod o caterpillar na kimakain ng dahon ng stevia, pero meron po talaga. may ginagamit po ba kayong fertilizer sa stevia nyo? kung meron po ay huwag nyo na munang gamitin. pansin ko po kasi sa mga herbs, pag masyadong mataas ang macronutrients ng lupa, lalo na ang nitrogen, ay lapitin sila ng insekto... ito po ay obserbasyon ko lamang... isa pa pong tanong, maraming marami po ba ang stevia nyo? kung mangilan-ngilang paso lamang po ay hwag na kayong gumamit ng kahit anong pestisidyo, kahit organic pa. "kutuhan" nyo nalang po ang halaman... para maiwasan nyo ang uod na kumakain ng dahon, subukan nyo pong itabi ang inyong stevia sa mga mababangong herbs gaya ng basil, lavander, rosemary at iba pa, para lang po malito ang paru-paro o moth na iitlog sa dahon ng inyong stevia...

sana po nakatulong ang mga sinabi ko... kung may tanong pa po ay masaya ko itong sasagutin...


dyopo, nasa bukid po ako tuwing lunes at martes. kung pupunta po kayo ay mag e-mail muna kayo sa akin sa nonatus@gmail.com

madali lang pong pumunta sa farm namin. kung mamamasahe, sumakay lang po ng byaheng lucena, baba kayo sa jollibee candelaria at i-txt nyo ako, susunduin ko na kayo doon. :)

Diverse || Organic || Sustainable || Eco-friendly
www.dailydosefarm.blogspot.com
nonatus@gmail.com

22

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Daily DOSE Farm wrote:

anig, wala rin po akong formal education sa agriculture, experiment lang at observation. bihirang bihira po ako makakita ng uod o caterpillar na kimakain ng dahon ng stevia, pero meron po talaga. may ginagamit po ba kayong fertilizer sa stevia nyo? kung meron po ay huwag nyo na munang gamitin. pansin ko po kasi sa mga herbs, pag masyadong mataas ang macronutrients ng lupa, lalo na ang nitrogen, ay lapitin sila ng insekto... ito po ay obserbasyon ko lamang... isa pa pong tanong, maraming marami po ba ang stevia nyo? kung mangilan-ngilang paso lamang po ay hwag na kayong gumamit ng kahit anong pestisidyo, kahit organic pa. "kutuhan" nyo nalang po ang halaman... para maiwasan nyo ang uod na kumakain ng dahon, subukan nyo pong itabi ang inyong stevia sa mga mababangong herbs gaya ng basil, lavander, rosemary at iba pa, para lang po malito ang paru-paro o moth na iitlog sa dahon ng inyong stevia...

sana po nakatulong ang mga sinabi ko... kung may tanong pa po ay masaya ko itong sasagutin...

sir ddf thank you very much po sa sagot nio, wala pa po ako ginangamit na fertilizer, compost lang & crh mix ko with garden soil. subukan ko po na itabi sa iba herb na mabango...ten pots lang po ung stevia pero nabawasan na hopin i can multiply  it sooner but those insects are lingering on  my stevia. meron din ako nakita white insect pag hulihin mo lilipad sha..
thank you so much sir ddf for your helpful advise.

opo, nasa bukid po ako tuwing lunes at martes. kung pupunta po kayo ay mag e-mail muna kayo sa akin sa nonatus@gmail.com

madali lang pong pumunta sa farm namin. kung mamamasahe, sumakay lang po ng byaheng lucena, baba kayo sa jollibee candelaria at i-txt nyo ako, susunduin ko na kayo doon. :)

23

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

>>>hello.I'm a new member in your website..can i please ask some questions.um,I'm now a graduating student in bicol university college of agriculture and forestry,and one requirements  for me to graduate is to conduct a study and my study is about natural farming which uses fermented fruit juices as fertilizer,can you please supply me some information regarding my study,

24

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

anyone whose an idea of clamansi organic farmin??? please help... thanks a lot

25

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

for Daily DOSE Farm,

I read your blog; with regards to the herbs, you could dry them and sell as dry herbs. Many grocery stores in the U.S. sell both fresh and dried herbs.

Here's some info about drying fresh herbs:

How to dry your own herbs

"Let justice roll down like waters
and righteousness like an everlasting stream".
Amos

26

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

I never thought about  this until today I see this forum thread. My father grows a lot of organic vegies in Cavite and he has sitaw, pehcay, squash, stick chili and chili labuyo, even mushrooms.

Thank you for the information that you guys have provided here. My father might consider these tips.

27

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

for calamansi organic farm, i've done some expriments.. using vermi tea and with little use herbal pesticides would do the trick... but the problem is the greening... so what i did is clean up the farm and made it neat... the condition imporved. and with mycorrhiza, the fruit tree became more healthy and flushed many times... i think this is applicable for pummelo too... sa thailand they use fruit fly trap made of lemon grass.. iam not sure why lemon grass but effective daw...

its easier to grow organic vegetables than fruits because of the 3-4 month period to wait for the fruit to harvest not like vegetables just 1 month up.  there are many control measures also for organic vegetables especially in small area cultivated but for big area this may be labor intensive.  my two cent

Philippine Agriculture Blog - www.agriculture.ph

28

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

DDL, how much is the selling price of svetia plant and where can I buy that plant? May I request also to have a farm visit in your area in order for me to have an idea regarding organic farming and organic crops that I can adopt in my farm. I'm planning to go in Sorsogon this coming Oct. 25 and if it is possible to drop by?

29

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

thank u for the information guys.....as i do grow valuable veggies like chilly and others...i would defenitely considered all tips which were given by each and every member of this forum...hope to get some more tips from u guys.........thank u once again..

30

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

DDL,

Pupuwede kaya pang ground cover crop ang stevia (sweet leaves) sa mga ilalim ng niyog, african oil palm, lanzones?

Baka pupuwede gamitin ang stevia sa mga matamis na ube, macapuno, nata de coco, leche plan, pulboron, etc. Marami kasi sa lugar namin na pagawaan ng home made candies/sweet. Sa mahal ng asukal, marami na ang tumatangis na mga backyard manufacturer ng home made candies/sweet.

I guess the 300x sweeter than sugar cane sugar is based on dry form stevia.

I will try to visit your store in FTI this weekend "Tiange".

31

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Last Saturday, I went to FTI Tiange Market. Before it was located near the Food Tech Center but it was transferred at the back of the FTI Mall.

I was able to buy 4 seedlings of Svetia, na bargain ko sa P100 yung apat. I tasted the leaf and matamis nga!!!!!

Ang nabilihan ko na store ay ang farm ay sa Silang, Cavite.

32

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

I went to FTI Weekend Tiange Market. Lumipat na pala sa likod ng FTI Mall, mas okay ang location ngayon dahil malawak ang parking area.

I was able to buy 4 seedlings of stevia, na bargain ko for P100 yung apat. Matamis nga ang dahon!!!!! Ang store na nabilhan ko ay ang farm ay sa Silang, Cavite, Filipino Chinese ang may ari.

I was looking for Daily Rose Farm kasi yung picture lang ni Solyara ang ginawa ko na guide. Baka yung nasa picture na stall ni Solyara ay sa dating lugar sa FTI.

Anyway, almost the same pa rin naman ang mga stall holders, Consol Farm, B Dizon, lugaw at bibingka na katoto ko sa sabong, etc.

33

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

tagal naman umuwi ni ddf!!anyway magcoconduct na naman po ang AANI ng Organic Farming Semina sa Feb 20 2010 sa AANI Urban Farm sa antipolo!kung kayo ay intresado maari lang pong kontakin nyo ako sa mga numerong ito 4972755 o kya sa 09286941328 para mas madali.Hands on po tayo dun at mismo kayo ang mag tatanim at maari na rin po kayo bumili ng mga halaman na sisimulan nyo para sa pag tatanim..maraming slamat po!
rhoda po sa aani!

34

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

if you need more po meron kami sa farm marami.wla lang kasi ngyon si ddf pero malapit na syang umuwi!!!

Ross dela Cruz wrote:

Last Saturday, I went to FTI Tiange Market. Before it was located near the Food Tech Center but it was transferred at the back of the FTI Mall.

I was able to buy 4 seedlings of Svetia, na bargain ko sa P100 yung apat. I tasted the leaf and matamis nga!!!!!

Ang nabilihan ko na store ay ang farm ay sa Silang, Cavite.

35

Re: list of plants/vegies/fruits dat can b produce in organic way

Thank you Tita Lu for your most welcome news and invitation to the One Organic Movement to come and join the President and the authors of the law during the formal signing of the Organic Agriculture Act of 2010 at Malacanang Palace.

We will mobilize the member organizations of the One Organic Movement to join and participate in the ceremonial signing of the law.

We will revert to you on Monday for the submission of the names of people who will attend the ceremonial signing on March 25 at 11 am by President Gloria Macapagal-Arroyo. We will try to mobilize at least 100 to 200 attendees, as the President and Malacanang people wish,  from the member organizations of the One Organic Movement.

With this email I am requesting the lead OOM Convenors NGO-GO-R&D and Academe member Organizations to email to us the list of people that are confirmed to attend the ceremony and please email it to me by Monday morning for submission to Tita Lu Zulueta on Tuesday at the latest. Please prioritize them in case we exceed the quota and need to have balanced representation from the OOM convenor organizations.

Girlie and Joy please monitor by email and phone and get the full names, position/designation,  name of institution and complete address and contact numbers and the name of authorizing officer or official of the organization. Let us consolidate and summarize it for submission to Dr. Zulueta by Tuesday at the latest.

Thanks again to all and Best wishes!
pls call 09286941328 for confirmation