1

Topic: Pano mag alaga ng inahining baboy?

Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyong lahat kung paano po ba mag simula ng inahining baboy.  Ngayon po kasi ay nagbabalak na akong lumipat ng pag aalaga ng baboy from fattener to inahin baboy.  Mahal na po kasi ngayon ang biik at every month po ay tumataas din ng 30 pesos ang ginagamit ko pamakain sa baboy tapos ang LW naman po ay mababa pa rin ang kuha d2 sa amin sa Quezon.  Bale po meron na akong 2 pigs na gagawin inahin at ang age na nila is 4 months old na at nasa 85 pataas na ang timbang.  Ano po ba ang dapat ko ng ipakain sa kanila simula ngayon hanggang sa magkaanak na sila. Sana po ay matulungan nyo ako.. smile