1

Topic: Pamatay sa langaw

Sa mga member po nito, baka po matulungan nyo ako, ang dami po kasi langaw sa amin, yung mga inahin pig ko ang dami na sugat sa kagat ng langaw, nag spray na po ako ng desinfectant d naman po namatay, sana po matulungan nyo ako, thanks

2

Re: Pamatay sa langaw

agita ang i spray mo .novartis ang product yan.ginamit ko yan last 3 years.problema ko kasi non ang langaw.

3

Re: Pamatay sa langaw

luis manuel wrote:

agita ang i spray mo .novartis ang product yan.ginamit ko yan last 3 years.problema ko kasi non ang langaw.

ok po, maraming salamat po

4

Re: Pamatay sa langaw

try nyo din po mag ferment o buro ng darak 1 part water 5 parts water. seal for 3 days, harvest nyo yung water na maasim na amoy after the said duration at wisik nyo lang sa kulungan at flooring ng pig pen nyo. i found this very effective pag sa langaw. read through tarlac hog raisers sa forum na ito for reference.

5

Re: Pamatay sa langaw

ronski wrote:

na try ko na ito, very effective talaga ito.

The Winner says, "It may be difficult but it is possible";  the
        Loser says, "It may be possible but it is too difficult."

6

Re: Pamatay sa langaw

barnut wrote:
ronski wrote:

try nyo din po mag ferment o buro ng darak 1 part water 5 parts water. seal for 3 days, harvest nyo yung water na maasim na amoy after the said duration at wisik nyo lang sa kulungan at flooring ng pig pen nyo. i found this very effective pag sa langaw. read through tarlac hog raisers sa forum na ito for reference.

na try ko na ito, very effective talaga ito.

cge po , try ko mukhang d pa magastos ito, marami pong salamat sa inyo.

7

Re: Pamatay sa langaw

So that we will have a deeper understanding of burong darak na gamit as disinfectant or pangbugaw ng langaw, ang chemical composition nito ay lactic acid/bacteria or serum. Walang ipinagkaiba sa Yakult, lactobacilli.

Lactic bacteria ay gamit sa burong mustasa, burong talangka, atsara or burong papaya/labong, etc.

Ang langaw ay mabilis ma attract sa mga bagay na matamis, mabaho, mabantot, etc. pero umiiwas sila sa isang bagay na maasim ang amoy.

Meron TV ad na suka ang ibinobomba/spray sa banyo para maalis ang mabaho na amoy.

8

Re: Pamatay sa langaw

wintuha wrote:

a

Kuyang Wintuha, puede po bang pang dissinfect sa kulungan ko ang suka?

Lito

9

Re: Pamatay sa langaw

@abelitoink,

technically speaking puede ang suka (acetic acid) as disinfectant ... pero limited range ang kakayanan ng acetic acid

magandang combination ng disinfectant ay hydrogen peroxide (agua oxcinada) at acetic acid.... pero vs langaw, eto ng sabaw ng burong darak ang narinig kong effective at mura.   smile

10

Re: Pamatay sa langaw

tanong lang po.. talaga po bang nakakamatay ng langaw ang fermented na darak o nagtataboy lang sya ng langaw?  Kc po pano po pag di dumapo sa kulungan yung mga langaw at dun mismo sa baboy dumadapo? pede din po bang liguan or wisikan ang katawan ng baboy nung fermented na darak?

11

Re: Pamatay sa langaw

from experience naman po kahit matikman ng alaga yung fermented darak, harmless naman po sya dahil natural disinfectant naman ang fermented darak. pag minsan hindi rin maiwasan malagyan ng fermented darak habang nagwiwisik sa kulungan yung mga alaga at wala naman side effect sa kanila. pang taboy lang ng langaw, daga, langam etc ang fermented darak at hindi po ito pang patay.